Daboy, Senior Citizen na in Heaven

SENIOR CITIZEN na si Rudy ‘Daboy’ Fernandez. ‘Yun nga lang, sa langit n’ya na lang magagamit ang kanyang pribilehiyo para sa mga diskuwento.

Noon ngang Linggo, Marso 3, ipinagdiwang ng naiwang pamilya ni Daboy ang kanyang ika-60 kaarawan. Pinangunahan ng kanyang maybahay na si Lorna Tolentino at mga anak na sina Rap at Renz ang isang birthday mass, ganap na alas-singko ng hapon, sa musoleo ni Daboy sa Heritage Park sa Taguig City.

Itinuloy ng buong pamilya at mga kaibigan ang isang simpleng salu-salo sa Lt. Arciaga St., San Juan City, sa building na pag-aari ni dating pangulong Joseph Estrada.

Tunghayan ang ilang masasayang eksena sa selebrasyon ng pagka-senior citizen ni Daboy na nakuha namin sa Twitter account ni Ms. LT. Maligayang kaarawan, Daboy!

Text By Dani Flores

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.