‘Daang Nakamamatay’ vs SONA ng mga Militante Mula sa Southern Tagalog

KASADO NA ang pagsugod sa Batasan Pambansa ng mga militanteng grupo mula sa Southern Tagalog sa Lunes, State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi ni Bayan Southern Tagalog spokesperson Adrian Mark Ng na nagsagawa sila ng caravan kahapon ng umaga sa Dasmariñas, Cavite na tinawag na ‘Daang Nakamamatay’.

Sa Bacoor aniya nagsama-sama ang mga raliyista na bitbit ang effigy ni Pangulong Aquino kasama si Uncle Sam.

Pagtuntong sa Las Piñas, nagsagawa ng programa ang grupo at tumulak rin patungong Mabuhay Rotonda sa Maynila.

Target ng mga militante na makalapit sa bahay ng Pangulo sa Times Street kung saan sila nagsagawa ng mga nasabing aktibidad.

Nagpalipas ng magdamag sa Balara, Quezon City ang grupo.

Samantala, ngayong araw, tutulak ang grupo papunta sa Batasan at makikipagsanib-puwersa sa iba pang mga raliyista kontra sa umano’y mga panuntunang kontra-mahirap ng kasalukuyang administrasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.