Daang Libong Pisong MWSS Bonus, Idinepensa ng Malacañang

DUMPEPENSA ANG Palasyo sa daang-daang libong pisong bonus na tatanggapin ng apat na appointive board members ng Manila Water and Sewage System (MWSS).

Ito’y sa kabila naman ng una nang pagbatikos ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa natatanggap na bonuses ng mga opisyal ng MWSS noong pag-upo niya sa posisyon noong 2010.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kung ikukumpara sa mga dating nakukuha ng mga board members ng MWSS ay hamak namang mas mababa ito at may basehan naman.

Sinabi ni Lacierda na ang bonus na makukuha ng apat na board members ng MWSS ay tinatawag na Performance Based Incentive bonus sa kanilang 2012 preformance na nagkakahalaga ng P300,000 hanggang P500,000 base na rin sa memorandum circular number 2012-14 ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations.

Samantala, simula noong ipinatupad ng administrasyon ang pagbabago sa mga GOCCs ay naging maganda na ang performance ng mga ito kung saan ang MWSS ay kumita pa ng P2 bilyon kung ikukumpara noong mga nakalipas na taon na lugi pa ang MWSS ng P34 milyon pero nakakakuha pa ng aabot sa P2.5 milyon bonus ang mga opisyal nito, dagdag pa ni Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.