DA, sinugod ng grupong PETA

SUMUGOD SA tanggapan ng Department of Agriculture (DA) ang grupong People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) para hilinging mabigyan ng tamang pagkalinga at pag-aalaga ang elepanteng nasa Manila Zoo.

Kasama ang mascot na isang elepante, iprinisinta ng naturang grupo ang mahigit sa 60,000 lagda na nakalap sa buong mundo na humihiling na mailipat na si Mali sa sanktwaryo sa Thailand.

Sinabi ni PETA Asia Pacific campaign manager Rochelle Regodon na mahigit 35 taon nang nakakulong si Mali sa Manila Zoo at hindi akma rito ang lugar kung saan naipagkakait ang natural at mahahalagang panga-

ngailangan ng elepante.

Napapanahon na aniya para umaksyon mismo si Agriculture Secretary Proceso Alcala kaugnay ng kundisyon ng nasabing elepante.

Samantala, wala namang humarap na opisyal o sinumang kinatawan ng DA sa grupo kaya nag-programa na lang sila sa labas ng naturang kagawaran.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.