DA at DOST, Magkatuwang sa Pagtulong sa San Miguel, Bulacan

MAGKATUWANG NA tumutulong ang Department of Agriculture at Department of Science and Technology sa San Miguel, Bulacan lalo ngayong sumasapit na ang tag-ulan.

Kilala ang bayan ng San Miguel bilang bahagi ng rice granary ng bansa dahil sa katabi na halos ito ng Nueva Ecija.

Matatandaang kapag sumasapit ang tag ulan, ekta-ektaryang palayan ang nagiging dagat kaya nga ilang submerge tolerant variety ng palay ang inirerekomendang itanim ng local government unit, DOST at DA sa mga mambubukid upang ‘di sila gaanong malugi kapag sasapit ang tag-ulan.

Ayon kay Mayor Roderick Tiongson ng nasabing bayan, bukod sa tulong sa palay ay kabalikat din nila ang nasabing mga kagawaran sa paghahayupan lalo sa lumalaking backyard hog raising.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.