DA, Aangkat ng Semilya ng Baka sa Switzerland

NAKATAKDANG MAG-ANGKAT ng Braunvieh cattle semen mula sa bansang Switzerland ang gobyerno na inaasahang magbubunga ng “dual purpose” calves pang-gatas at karne.

Ang pag-aangkat ng semilya ng nasabing mga dayuhang lahi ng baka ay magdudulot din upang maisagawa ang pagko-cross breeding ng lahi nito at ng ating lokal na baka.

Nabatid na ang inangkat na dayuhang baka na gumagatas ay umaabot sa  P150,000 to P180,000 kada hayop kaya mas praktikal, anila, na mag breed sa bansa ng sariling atin.

Direct beneficiaries ng nasabing programa ay ang cattle raisers ng Camiling Cattle Association (CCA) sa Camiling, Tarlac na may 50 cattle-raising members.

“May kakayahan ka-ming mag-breed ng Swiss animals mula sa mga cows at iba pa naming resources,” ayon kay CCA President Rene G. Abad.

Nabatid na ang Braunvieh ay isang lahi na may dalawang silbi, sa kanyang karne at gatas.

Ang proyekto, “Commercialization of Braunvieh Crossbred Cattle for Dairy and Beef (Dual Purpose) Production” ng Camiling Cattlemen Association (CCA) ay pinondohan ng DA’s Bureau of Agricultural Research (BAR) ng higit P1 milyon.

(MJ BALAGUER)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.