Cybersex Den Operators,15-Taong Kulong At P1-M Multa

LABING LIMANG TAONG pagkakabilanggo at isang milyong pisong multa ang kakaharapin ng mga nag-ooperate ng cybersex den sa buong bansa.

Batay sa House Bill # 4162 ni Congressman Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City, ang sinumang mahuhuling nag-o-operate ng cybersex den ay makukulong ng 15 taon at pagmumultahin ng mula kalahati hanggang isang milyong piso.

Bukod sa may-ari ng cybersex den, papatawan din ng 6 na taon na pagkakabilanggo at pagmumultahin ng isang daang libo hanggang isang mil-yong piso ang mga tauhan nitong mapapatunayang nagkasala.

Kasama rin sa kakasuhan ang mga protektor lalo na ang nasa gobyerno at maging ang otoridad na kasabwat sa operasyon.

Samantala, kung dayuhan naman ang mahuhuli ay agad itong ipatatapon sa bansang kanyang pinanggalingan, at habang-buhay na itong pagbabawalang makapasok sa Pilipinas.

Kung mapapatunayan naman ng korte na nagkasala ang cybersex den operator, kukumpiskahin ang mga ari-arian at maging ang sasakyan nito.

Ang mga nagkasala ay isasailalim din sa counseling at rehabilitation program ng Department of  Social Welfare and Development (DSWD) .

Nakapaloob din sa “The Anti-Cybersex Act of  2011” na maaaring magsampa ng kasong sibil ang sinumang biktima ng nasabing cybersex den operator at maaari rin itong humingi ng damages laban sa nabanggit na operator.

(JOEL O. AMONGO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.