Cyber Wars ng ‘Pinas at Tsina, tumitindi na

TUMITINDI NGAYON ang tinaguriang “cyber war” sa pagitan ng mga pro-Philippine at pro-China hackers.

Matapos ang nangyaring pananabotahe kamakalawa sa website ng Department of Budget and Management (DBM), pinakialaman naman ng mga nagpakilalang mga Filipino hackers ang ilang Chinese websites.

Ayon sa grupong “PrivateX” at “Anonymous #OccupyPhilippines”, ang ginawa nilang pag-hack sa tinatayang 14 na mga Chinese sites ay bilang ganti sa ginawang pananabotahe ng mga Chinese hackers sa mga Philippine government portals.

Pinasok ng nasabing mga grupo ang mga websites na may domain name na “.cn” at nilagyan ng malaking letra “V” na simbolo umano ng salitang vendetta.

Ipinaskil din ng grupo ang mensaheng: “You may continue bullying our country’s waters but we will not tolerate you from intimida-ting our own cyber shores. Those defacements are just a mere response to what you have initially started. We are not trying to start anything. We are just trying to tell you that we do not want to be bullied in our own cyberspace too.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Cyber Wars ng ‘Pinas at Tsina, tumitindi na

  1. ano pa ba ang mawawala sa atin ganung nasa kamay na nila ang buong pilipinas kayo nga ay wag mga engot matagal ng nasakop ng mga intsik ang pinas!!!

  2. dios ko wala na bang katapusan yang away na yan,palayasin na lang mga intsik sa pinas buset lalawak ang sakop ng ating bayan kapag nawala mga intsik ,bakit kasi magkapit-kapit kamay lang sila sakop na rin nila ang buong pilipinas!

Leave a Reply

Your email address will not be published.