CVO Member, Binoga ang Sarili

PATAY NA nang matagpuan sa loob ng kuwarto ang isang aktibong miyembro ng civilian volunteeer organization(CVO) sa Glan, Sarangani province matapos itong magbaril sa sarili.

Ayon kay C/Insp. Jaime Tabucon, hepe ng Glan PNP, ang biktima ay nakilalang si Edwin Bananaw, 56, may-asawa at nakatira sa Barangay Daltuad, Glan.

Bago nangyari ang insidente, nakipagtalo pa ito sa kaniyang asawang si Parama at saka pumasok ng kuwarto.

Narinig pa ng anak ng biktima na si Margie na nagpatugtog ang ama bago pa narinig ang putok ng baril.

Pinilit nilang buksan ang pintuan ng kuwarto at nakitang nakahandusay na ang biktima at naliligo sa sariling dugo.

Pinaniniwalaang itinutok ng biktima ang baril sa pisngi matapos may nakitang tama ng bala na tumagos sa kanyang ulo. Subalit hindi matagpuan ang baril na ginamit ng biktima na kalibre 45.

Hindi na dinala sa ospital ang biktima at kaagad ding inilibing batay sa paniniwala ng mga Muslim. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.