Customs, Sinampolan ang Broker at Importer ng Pekeng Produkto

SINAMPOLAN NG Department of Finance at Bureau of Customs (BoC)ang isang customs broker at limang iba na pawang mga importer ng mga pekeng produkto na ipinasok sa bansa at idineklarang pawang mga damit at mga kitchenware.

Ayon kay Gen. Danilo Lim, hepe ng intelligence and investigation office ng BoC, ang mga kinasuhan ng tariffs and costums code, intelectual property code at revised penal code ay naki-lalang sina Rogelio Soledad, Marilou Sucaldito, Michael Soledad, Audrey Morales, at Alfredo Bulaon, pawang mga director ng Telsphere International Trading Corp., at costums broker Rhodora Ragasa.

Base sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na noong Agosto 17 ng taong kasalukuyan nang masamsam ng mga tauhan ng customs ang dalawang 40-footer container van na positibong naglalaman ng mga pekeng motocycle parts, damit , sapatos at gulong na nagkakahalaga ng P60 milyon.

Sinabi pa ni Lim na unang idineklara ng mga akusado na ang laman ng dalawang 40-footer container van ay pawang damit, pantalon , sapatos at baterya na mula sa bansang Tsina.

Hindi rin pinalusot ng mga tauhan ni Lim ang customs broker na siyang nagmanipula upang magawang makapasok ng iligal na produkto mula sa China.   (Ferdie Javines)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.