CUSTOMS OFFICIALS UTAK NG SMUGGLING

MATATAAS NA OPISYAL ng Bureau of Customs (BoC) ang nasa likod ng patuloy na smuggling sa mga kargamento na ki-nabibilangan ng bigas, asukal at paputok na umaabot sa bilyong halaga.

Ayon sa isang customs insider ang mga opisyal na kasangkot sa walang humpay na smuggling ng mga naturang commodities ay isa sa customs Police, isa sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at isa din sa Office of the Commissioner.

Batay sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito nagpalabas ang sinasabing grupo ng hindi kukulangin  sa dalawang daang containers  ng assorted asukal, bigas at paputok na galing sa bansang China bago sumapit ang kapaskuhan.

Nadiskubre ng reporter na ito na peanuts, Indian groundnuts kernel, Steel Frames, at Green Bean Black Bean ang deklarasyon ng importer upang iligaw ang pamahalaan sa pakikipagsabwatan ng mga hindi binanggit na opisyales ng Customs.

Ngunit ang totoong laman ng mga container ay asukal, bigas at paputok kung saan  malayang nakalabas ang dalawang daang containers ng bigas, asukal at paputok sa bakuran ng BoC sapagkat  walang maglalakas loob na customs police na sumita sa takot ng mga ito na ipatapon sa malayong lugar.

Kaugnay nito hinihiling kay P-Noy na magkaroon ng madaling balasahan sa Bureau of Customs kung nais ng pangulo na maalis ang kasalukuyang mga corrupt na Customs officials. (FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.