Customers ng Meralco, May Refund Simula sa Mayo

MAKAKAASA NA ng refund ang mga kustomer ng Manila Electric Co. (Meralco) simula sa darating na Mayo.

Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Executive Director Francis Juan, inaasahan nilang magsisimulang magbayad ang National Power Corporation (NAPOCOR) sa Meralco sa Abril.

Ibabawas aniya ang P73.9 milyong buwanang matatanggap sa generation cost ng Meralco. Sakaling mapagtibay ang kautusang ito ngayong buwan, tiniyak ni Juan na mararamdaman na rin ng mga kustomer ang refund sa Mayo.

Pare-pareho anyia ang halaga ng ipinapataw na generation charge sa mga kustomer pero dedepende ang halaga ng refund sa konsumo.

Samantala, aabutin aniya ng anim na taon bago makumpleto ng NAPOCOR ang pagbabayad ng P5.176 bilyong overcharge.

Una na ring tiniyak ng ERC na tatanggap ng refund ang lahat ng kustomer ng Meralco.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.