Customer, Saksak ang ibinayad sa May-ari ng Computer Shop

SA HALIP na bayaran, saksak ang ibinayad sa isang mister na may-ari ng computer shop ng suspek na isa sa customer ng una nang singilin nito ang huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa leeg ang biktimang si Resty Payod, 35, may-ari ng Payod Computer Shop, ng Block 13, Lot 9, Phase 3-C, Brgy. 16, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Aldrin Tapit, 18, kapitbahay ng biktima, na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Payod Computer Shop na matatagpuan sa Tulingan at Sabalo Sts., Caloocan City.

Pumasok ang suspek sa nasabing computer shop at umupa. Nang ma-tapos ang kanyang oras ay siningil ito ng biktima. Sa halip na pera ang kunin para ibayad, patalim ang kanyang hinugot na itinusok sa leeg ni Payod.

Matapos ang insidente, tumakas si Tapit dala ang ginamit na patalim sa pananaksak habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.