Cunanan, nag-resign

NAGBITIW NA nang tuluyan si Director General Dennis Cunanan ng Technology Resource Center (TRC) ng Department of Science and Technology (DOST), ayon sa eksklusibong panayam ng Pinoy Parazzi kay Secretary Mario G. Montejo, sa Lima Park Hotel, Malvar, Batangas kahapon.

“Pipirmahan ko na talaga ang letter para siya ay mag-resign, pero kaninang umaga (kahapon ng umaga) ay may pormal na sulat na siya ay nag-resign,” sabi ni Montejo.

Noong nakaraang Lunes sa panayam ng pahayagan ito kay DOST Assistant Secretary Raymund Liboro, si Cunanan ay naka-leave lamang at si Liboro ang kasalukuyang OIC ng TRC ngayon, bunsod ng pagtestigo ni Cunana sa pork barrel scam issue.

Matatandaang ang TRC, sangay ng DOST na buhat sa tanggapan ng Pangulo noon, ang siyang namamahala sa pagbibigay ng pondo sa mga entreprenuer at mga non-government organization.

Kaugnay nito, sinabi rin ng kalihim na may planong tumakbo bilang mayor sa bayan ng Pulilan sa Bulacan si Maritz Ochoa Montejo, ang kanyang may bahay sa 2016. Si Mrs. Montejo ay kapatid ni Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa na mga lehitimong taga-Pulilan.

(MJ Balaguer)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.