Cristy Fermin, parang napakalinis!

OLA CHIKKA! NOW na! Talagang now na… thanks God it’s Friday, dahil ngayon natin pasasabugin ang mga nakawiwindang na chikka at walang kinatatakutan… simulan na natin, hahaha!

Ano ba naman itong si Mystica na nagsasabing faith healer raw siya. Ano ‘yun?! Bagay ba? Eh, ‘Day, dapat kung faith healer ka na, ang una mo sanang ginamot eh, ang dyowa mo, ‘di ba? Para makasigurado ka talaga.

Naku naman kasi, magpapansin ka lang, sa ganu’ng eksena pa… ayan, huh!

O, ‘ETO NAMAN… dumako tayo kay Cristy Fermin at DJ Mo Twister na talaga namang kung sinu-sino ang mga napapansin.

Sobra na nga ngayon ang awayan nina DJ Mo at Ogie Diaz, dahil nakakaloka na at sobra na. Pati itong si Cristy Fermin, nakikisawsaw na, samantalang dati ay anak-anakan din niya itong si Ogie Diaz. Ganyan ba talaga, porke’t money talks?!

At ang naaalala ko dati, ‘di ba ang tunay na magkaaway ay sina Cristy at DJ Mo? ‘Di ba, sobra-sobra pa ang alitan n’yang dalawang ‘yan? Naaalala ko pa nga na ang tawag ni DJ Mo kay Cristy ay ‘Cristy Lucifer-min’ at ‘Shrek’. At tawag naman ni Cristy kay Mo ay isang ‘frog’’. Tapos nga-yon, akala mo kung sino silang mag-BFF, at kung sinu-sino ang iniintriga nila. Sa halip na ipagtanggol niya ang anak-anakan niyang si Ogie, ginatu-ngan pa niya ang pagka-talakera ni Mo. O, kundi man kayang kampihan ni Cristy si Ogie o ipagtanggol, sana man lang namagitan na lang siya… naging neutral na lang sana itong si Cristy.

At akala mo naman, may karapatan si Cristy na makisali sa away ng may away… kaloka! Lalo na pagda-ting sa Twitter… hahaha! E, hindi nga siya marunong gumamit ng Twitter, ‘noh! P’wede ba?! Hmmp!

At tsaka ‘eto pa… anong sinasabi ni Cristy sa twin sister kong si Aiko Melendez, na parang na kay Aiko ang problema kung bakit hindi ito tumatagal sa mga nakakarelasyon, na sa dinami-dami ng nakarelasyon ni Aiko, walang nagtatagal, at kung sinu-sino ang ama ng mga anak ni Aiko.

Kung makapagsalita ka naman, Cristy… parang hindi iba-iba ang tatay ng mga anak mo, ‘noh! Nakakaloka! E, ‘di ba, may anak pa siyang special child! Kaloka!

Speaking of special child, pati nga ang anak ni Kris Aquino, grabe kung tirahin mo, eh, tingnan mo na lang ‘yang anak mo…

Kaya ang masasabi ko lang dito, grabe na kayo at grabe ka na… iba na lang ang pagtuunan n’yo ng pansin.

Ganyan talaga siguro, ‘pag pera-pera na ang laban. Magkano rin kaya ang ibinayad sa kanya nina Hayden Kho at Vicki Belo para sa Paparazzi? Haha! E, mukha namang ang tunay na magdyowa talaga ay sina DJ Mo at Hayden Kho… hahahaha! Nakakaloka!

KAYA NAMAN PARA sa mas maraming chikka, makinig na lang kayo sa programa ko, kasama ang aking anak na si Lady Camille, Lunes hanggang Biyernes 11:30 – 12:00 ng tanghali sa DWSS 1494khz. At tuwing Linggo sa programa ko sa DZRH 2:30-3:30 PM.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Cristy Fermin, parang napakalinis!

  1. You got it right Swarding, cristy fakemin is one of the plastics of the showbiz world. Eka nga eh balimbing o doble kara. Kung sino ang kaharap dun siya magaling. Hindi na lang niya gayahin si alex gonzaga (although hindi ko siya gusto), neutral lang siya pag kaibigan niya ang tinitira. Ang tapang naman ng apog ni shalala para sabihin na ung show nila ay pilit raw na ginagaya pero hindi magaya, pwe! Kaya pala di pa maka 1 pt ang kanilang show. lol! :-)

    • Oo nga nakita ko yong mga ratings nila sa AGB tig 0.3, 0.4, 0.7. Noon like ko si Alex, pero hindi na masyado. Si IC lang ang like ko sa Juicy kasi he always gives benefit of the doubt sa mga comments nya and hindi nya hinuhusgahan ang situation.

  2. Tita Swarding tama ka sa lahat ng mga sinasabi about crispy pata. Sa lahat ng nangyayari, I think na yong symptoms ni crispy pata is that of someone who has a MANIC DEPRESSIVE DISORDER, or ADD, SCHIZOPHRENIA, or BIPOLAR. She should seek the help of a Psychiatrist to see where her anger is coming from. Or maybe this is all about money. I heard that some talk show hosts are paid by Managers and big boses from the network to ruin the reputation of some well known artists from a rival network. Isa kaya itong si Crispy Pata na binabayaran? Kasi hindi nya binabanatan ang mga artists na mayaman at nakapagbigay sa kanya ng regalo. Like she and DJ Mo many times minalit nila si Piolo Pascual dahil sa pagkakuripot nito. I think that Piolo is not the type to kiss their behind. Kaya galit si Crispy. Noong doon pa si Crispy sa ABS, sabi niya anak anakan daw nya si Papa P and love nya ito. What happened now? How INSENSITIVE for Cristy to say that Aiko's children have different fathers, how about Cristy's children? Sino sino nga ba ang mga ama ng mga anak ni Crispy? Anak ba talaga yon ng mga lalaki na nakarelasyon nya? or sa palipas gabi lang? Just asking kasi wala akong alam sa mga nakarelasyon nya. Anybody knows?

  3. Pingback: Tweets that mention Cristy Fermin, parang napakalinis! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.