Cristy Fermin, may utang kay Pokwang?!

OLA CHIKKA! NAGLABASAN na namang muli ang mga isyu sa pagitan ng dating Wowowee host na si Willie Revillame at ng ABS-CBN management. Sino ba naman ang hindi makaaalam ng pinagmulan ng gulong ito?

Ngunit para na rin sa hindi nakakaalam ay uulitin ko na. Dahil sa patuloy daw na pambabatikos ng host na si Jobert Sucaldito sa kanyang programa sa DZMM kay Willie, hinamon ng Wowowee ang management na kapag hindi nila tinanggal si Jobert, siya ang magre-resign. Kaya noong mga sumunod na araw ay hindi na siya nagpakita sa Wowowee. Ilang linggo ang lumipas at nagkaroon ng meeting sina Willie at ang management at napagkasunduang naka-indefinite leave ang host.

Lumipas ang mga araw at napabalita ngang babalik na siya sa kanyang noontime show sa July 31. Sa panibagong meeting na naganap sa dalawang partido ay marami na silang plano. Ang pagbabalik ng host, maging ang pagbabago ng show, bagong games, bagong sponsor, halos lahat nakaplano na.

Ngunit nagulat ang lahat nang hindi nakabalik si Willie. May balitang ilang executives daw ng Kapamilya network ang humarang sa kanyang pagbabalik. Tuluyan na ngang nawala ang Wowowee na pinalitan ng Pilipinas Win na Win.

Ngunit hindi naman ibig sabihin ay tuluyan nang nawala si Willie sa Kapamilya network dahil mayroon nga siyang offer na once a week show. Ang kaso nga lang taped na, sa Studio 23 pa, kaya nga itong si Willie ay napuno na. Matapos paghintayin ng ilang buwan, at paasahin sa ilang mga meeting na naganap, tuluyan na ngang kakalas sa ABS-CBN.

May mga chikkang lilipat na raw si Willie sa Kapatid or Kapuso station. Eh, papaanong mangyayari ‘yun eh, nakatali pa siya sa Kapamilya hanggang September 2011?

Meron pang magtatayo raw siya ng sarili niyang istasyon dahil sa pagnanais niyang tumulong sa kababayan niya. Sige, good luck sa iyo, Willie! Sa dami ng prosesong pagdadaanan mo sa bagay na ‘yan, at sa dami rin naman ng sponsors mo ay maning-mani lang iyan sa iyo.

NOONG ISANG ARAW ay nakausap ko nga itong si Pokwang tungkol sa patuloy na paninira sa kanya ni Cristy Fermin, ngunit minabuti nitong ‘wag na lang magsalita upang hindi na lumaki pa ang isyu.

Ayon naman sa aking ever reliable na parazzi girl, kamakailan ay nakita raw niyang nag-tweet itong si Chokoleit na bayaran daw ni Cristy ang kanyang utang kay Pokwang… basta something like that.

Nakagugulat na sinabi rin ng aking parazzi girl na malapit sa komedyante, na napakalaking amount daw ng utang ni Cristy ngunit hindi na raw niya ito sinisingil at nagulat din siya nang malaman ang pagtu-tweet ni Chokoleit.

Hmmm… something’s fishy kaya bigla ko tuloy naalala ‘yung result ng Top 20 Ugliest Celebrity ng Juicy, kung saan ay itong si Chokoleit ang 2nd placer at si Pokwang ang winner sa number 1 spot niya.

Hindi kaya mas magandang palitan na lang nila ang title at gawing “Cristy’s Top 20 Enemies”? Ha-ha! Nagbibiro lang po!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong sexy actress na matapos bitawan ng kanyang manager ay muling gumagawa na naman ng eksena upang pag-usapan at kung sinu-sinong pangalan ang isinama sa listahan na kanyang mga natikman?

Ha-ha! Hindi naman kapani-paniwala ngunit isa sa kanyang mga nabanggit ay hindi naman imposible dahil itong male-dancer actor na ito ay minsan na rin nakuha ang blind item spot ko na nagpapa-hand job sa mga therapist sa isang spa sa Timog.

Oh, ‘di ba?! Hindi malabong may mangyari sa kanila! Mukhang hindi na ito pitik-bulag dahil sobrang given na! Pak!

Ano na-gets n’yo na? Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 a.m. to 12 nn kaya makigulo at maging una sa mga chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAndi Eigenmann, patatabain ni Jaclyn Jose ‘pag ‘di pinagpahinga?!
Next articleSabik sa BJ (Diego)

No posts to display