Cristy Fermin, mang-aagaw?!

OLA CHIKKA! HINDI talaga matigil sa intriga itong sila Ruffa Guttierez, Gretchen Barretto at Kris Aquino. Paano naman kasi ay hindi na naman daw si Greta ang papalit kay Ruffa sa The Buzz! Eh, sino na naman?! P’wede bang ako na lang? Ha-ha!

At itong si Kris, panay pa-keme lang ang eksena na aalis na naman daw sa The Buzz, eh, hindi naman tino-totoo! Puro drama kaya nasasabihang paawa epek, eh! No wonder! Kris Aquino is Kris Aquino talaga! Bahala siya kung anong drama ang trip niya sa buhay niya, pero pagdating sa drama ng primetime? Bahala rin siya!

MAGULO MAN SA The Buzz ngayon ay mukhang mas magulo naman ang pagre-reformat ng Juicy ng TV5. Natsugi na ang mga writers na sila Rey Pumaloy, Morly Alinio at Pete Ampoloquio at siya namang pagpasok ni Cristy Fermin bilang host ng Juicy.

Paano na ang mga main hosts na sila IC Mendoza at Alex Gonzaga?! Eh, ‘di isingit na lang daw! Eh, ang haba naman pala ng buhok nitong si Cristy!

Kaya ayan favorite topic sa radio program nina Pete, ano ‘yun kapatid?! Bitter?!

Balita ko kasi, na lagi raw nilang tinitira si Cristy, dahil naalarma ang mga listeners na tumawag sa radio program ko sa DWBL at magtanong kung anong meron at lagi nilang inaatake si Cristy. Naku, huh!

At ayon naman sa aking parazzi girl na ang dalawang bagets daw na hosts na sina IC at Alex ay mag-aalsa-balutan na rin daw, dahil hindi nila gusto ang bagong format ng talkshow. Bitter din?!

Baka hindi ‘yung format ang hindi nila nagustuhan, kung hindi itong bagong host?! Ha-ha!

Kung magkakataong umalis din itong dalawa ay lima ang matsutsugi sa Juicy! Ang taray ni Cristy, ibang level ang power at all of a sudden napatalsik na niya ang mga taga-tsugi! Ha-ha!

Eh, ‘di siya na lang mag-isa ang magpatakbo ng Juicy para bonggacious!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong raketerang beauty queen title holder na ang drama ay always T.Y. na lang, as in ‘thank you’ sa lahat ng projects and favor na hinihingi sa mga kapwa katrabaho sa showbiz.

Ganito kasi ‘di ba? Nag-produce ng movie itong beauty queen at sa premiere night ng movie ay nakiusap sa akin itong producer na friend ko rin naman para i-plug ang kanyang pelikula sa radio program ko.

Kaso, ‘day, nagulat ako sa text niya! Bhuket?!

Ayos lang sana kung magpapa-plug ng kahit wah talent fee, pero pati invitation wah rin. Ay, grabe na ‘yun, huh!

Napag-alaman ko rin sa mga artista at mga writers ng pelikula na pati sila ay binabarat ng producer, as in TY talaga ang drama!

At least marunong magpasalamat! Ha-ha! Ano siya hilo?! Lahat naghirap, siya lang kikita?! Naku, huh!

Sino itong beauty queen-producer na daig pa ang parasite kung mamburaot?! Bumalik kayo noong 1982 at manood ng prestigious beauty pageant at ‘pag nakita mo kung sino ang mukhang buraot ay tiyak siya na ‘yun! Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMale at female talk show hosts na nagsasampalan noon, magkasama na sa show ngayon!
Next articleLea Salonga, nag-react sa pagkataklesa ni Kris Aquino?!

No posts to display