Cristine Reyes willing na makatrabaho ulit si Vivian Velez

Cristine Reyes

Cristine Reyes

Willing pa rin daw muling makipag trabaho ang lead actress ng “Tubig at Langis” na si Cristine Reyes sa beteranang actress na si Vivian Velez na nakasamaan nito ng loob during the time na magkasama sila sa nasabing serye na naging dahilan ng pag-alis ni Vivian Velez.
Ayon kay Cristine Reyes sa thanksgiving presscon ng serye, naniniwala raw siya na lahat naman ay nabibigyan ng pagkakataong maging maayos ulit, nasa tamang pag-uusap lang.
‘Pag nagkita raw sila at nagkausap, bakit naman daw hindi sila puwedeng magkatrabaho muli?
Sa ngayon daw, sobrang happy si Cristine sa mataas na ratings na nakukuha ng kanilang soap at sa magagandang feedbacks na nakukuha nito mula sa mga manonood.
Kaya naman daw pakaabangan ang natitirang apat na linggo ng “Tubig at Langis”, dahil maraming rebelasyong magaganap sa kanilang top rating serye.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.