Cristine Reyes will be miserable with Aiko Melendez

NAKA-TSIKAHAN NAMIN SANDALI si Aiko Melendez sa compound ng ABS-CBN nu’ng Lunes ng hapon matapos ang kanyang look test para sa teleseryeng kanyang gagawin at bago umalis.

Una nang nabalita na magkakasama muli sina Aiko at ang dati n’yang unang asawa na si Jomari Yllana sa teleserye ng Dos na Atom na mala-Artificial Intelligence o AI raw ang istorya na pagbibidahan ng child star na si Bugoy Cariño.

Pero nabago ang ihip ng hangin. Hindi na raw sila magkakatambal ni Jom sa Atom, dahil sa ibang bagong teleserye na raw s’ya ilalagay. Ito ay ang Reputasyon na pagbibidahan ng sexy actress at bida ng horror movie na Tumbok na si Cristine Reyes.

Binago raw ang script ng Reputasyon at si Aiko raw ang nagustuhan ng management na ilagay sa mabigat na role, kaya tinanggal s’ya sa Atom. “Asawa ako ng governor dito, si Tonton Gutierrez. Ako ang magpapahirap sa buhay ni Cristine,” patikim na kuwento ng aktres sa kanyang gagampanan.

Hindi lang namin natanong kay Aiko kung anong pakiramdam na makakatrabaho n’ya for the first time ang kapatid ni Ara Mina na ex-girlfriend naman ni Jomari.

Si Derek Ramsay ang leading man ni Cristine na makakasama rin sa isang pelikula with Anne Curtis na co-production ng Star Ci-nema at Viva Films. Si Jeffrey Jeturian naman ang nabalitaan naming magdi-direk ng Reputasyon.

TUNGKOL NAMAN SA bagong issue na kinakaharap ni Aiko at ex-boyfriend n’yang si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan na isiniwalat ni ‘Nay Cristy Fermin sa Paparazzi sa TV5 nu’ng Linggo, kung saan sangkot daw ang kaibigang bading ng una na nakapalitan n’ya umano ng mga mensahe sa direct message o DM ng kanilang Twitter account ukol sa plano nila diumano na pag-feed ng tsismis o maling balita tungkol kay Patrick sa ilang showbiz reporters/columnists para isulat bilang blind item, sumenyas lang ang maganda at magaling na aktres sa amin ni Tita Ethel Ramos na tila sinasabing, my lips are sealed.

“You know me better than that,” pahabol ni Aiko kay Tita Ethel.

Bago pa dumating si Tita Ethel na manager ng isa pa n’yang ex-boyfriend na si Aga Muhlach, sinabi ni Aiko sa amin na, “Akala ko nga maayos kami (nagkahiwalay),” nang usisain namin s’ya tungkol sa issue.

Hindi raw napanood ni Aiko ang interview ni ‘Nay Cristy kay Patrick. May mga nagsabi lang daw sa kanya.

MATAPOS NI AIKO Melendez, si Assunta de Rossi naman ang naka-tsika naman sandali sa compound pa rin ng ABS-CBN nu’ng Lunes din.

After her short role in Mula Sa Puso bilang asawa ni Ariel Rivera, may kasunod agad na teleseryeng gagawin si Assunta.

Mula Negros province kung saan nag-Holy Week ang Urian awardee na si Sam (palayaw ni Assunta), pinatawag daw agad s’ya ng ABS para sa story conference ng kanyang gagawing teleserye.

Si Assunta na ang papalit sa role ni Aiko sa Atom. In short, s’ya na ang makakapareha ni Jomari Yllana na kinumpirma n’ya sa amin.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

6 thoughts on “Cristine Reyes will be miserable with Aiko Melendez

  1. @Piolo, totoo ba talaga ito? Sorry for doubting but the last time I opened a link here, na virus ang computer ko at yon nakabayad tuloy ako ng malaki para ipaayos yong computer namin. Di ba mahal naman ang bibilhin sa Boracay at yong mga hotel daw doon mahal, totoo ba ito?

  2. I like Christine Reyes. Huwag siyang magbabago. Hindi siya plastik. What you see is what you get. Sinasabi niya ang nasa loob niya without reservations. Don’t change Christine. I like you the way you are.

  3. ang ganda tlga ni ate cristineklenk,at super galing na actress…… keep up the good work ate and lage po kau mag iingat. godbless you.<3<3<3

  4. We love because he first loved us. If anyone says, “I love God,” yet hates his brother, he is a liar. For anyone who does not love his brother, whom he has seen, cannot love God, whom he has not seen. – 1 John 4:19-20

  5. gandang ganda si cristine reyes sa sarili niya. mas maganda kay ara mina, pero that is not saying much for the new version of lobangco sisters (feeling beautiful but definitely not)

Leave a Reply

Your email address will not be published.