Cristine Reyes, walang tomboy na stalker! – Lolit Solis

ITINATANGGI NI CRISTINE Reyes ang lumabas na isyung may stalker daw ito na isang tomboy.

Gulat na gulat nga ito nang tinanong ito ng Startalk reporter sa kanya dahil wala pa raw siyang alam na ganu’n.

Naalala raw nito ang dating stalker niya pero lalaki naman daw ito at hindi tomboy.

Eh, ang PR nito mismo na si Leo Bukas ang nagsulat na may stalker siyang tomboy. Kaya tinanong naman ito ng Startalk sa kanya na ikinagulat niya, dahil wala nga raw itong alam na lalo niyang ikinatakot. Sana wala naman daw ganu’n.

Naalala raw niya ang dating stalker nito pero ayaw na niya itong pag-usapan. Sobrang takot na takot daw siya kapag napag-uusapan ito at baka bumalik pa raw ito sa kanya. Kaya dedma na lang daw.

May mga lumalabas na ngayon na teaser ng pelikulang Patient X ng GMA Films nila ni Richard Gutierrez. Pero hindi pa pala tapos ang shooting nila.

Marami pa raw silang eksenang isu-shoot pero kinausap na raw siya ni Annabelle Rama na baka dagdagan daw ng mga sexy scene at siyempre magpapa-sexy si Cristine rito.

Okay lang naman daw iyun sa seksing young actress pero hindi lang siyempre tiyak kung magpapa-sexy rin dito si Richard.

Jolina Magdangal at Mark Escueta, sila na?

IDINI-DISPLAY NA NI Jolina Magdangal si Mark Escueta ng Rivermaya pero hindi naman niya diretsahang inamin na sila na talaga.

Nu’ng nakaraang Biyernes ay nagkaroon ng farewell party ang Adik Sa ‘Yo at dala-dala nga ni Jolina si Mark at sweet naman sila.

Kuwento naman ni Jolens, hindi raw niya akalaing makakaramdam siya ng ganu ‘n uli pagkatapos ng break-up nila ni Atty. Bebong Munoz.

“Alam mo ‘yun, parang masaya ‘yung feeling na sa totoo lang hindi ko nga akalain na makaka-feel ulit ako ng ganito.

“Parang hindi ko naman sinara na ‘yung loob ko nu’ng time na nasa moving-on stage ako nu’n. Ang iniisip ko lang ayoko ng maging malungkot, parang ayoko lang tapos hanggang sa parang ‘yun!” pahayag nito na kahit hindi pa niya sinasabing sila, ganu’n na rin naman ang nakikita mo sa kanila.

Siguro, mas gusto nilang tahimik na lang para hindi na magulo lalo na itong si Mark, eh, tahimik din at hindi sanay magpa-interview para pag-usapan ang lovelife niya.

“Ayoko na kasing i-elaborate kung ano man pero sa ngayon masaya ako na nai-ispire ako sa mga ginagawa ko maliit man na bagay o malalaki,” patuloy na tsika nito.

Siguro naman dapat lang na ma-in love siya muli at sana nga ito na ang tamang lalaki para kay Jolina. Go! Go!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.