CRISTINE REYES, UMAARAY SA PANINIRA!

KAMAKAILAN AY ISINULAT natin dito ang panig ni Sarah Gero-nimo tungkol sa hindi matapus-tapos na isyu sa kanila nina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Para sa isang patas at balanseng pamamahayag, ibabahagi naman natin ang side ni Cristine. Matapos kasing magsalita ni Sarah tungkol sa naging relasyon nila ni Rayver ay marami ang nag-aabang at tinututukan ang kanyang reaksyon at mga komento.

“Kasi kung wala naman pong nakialam, ‘di naman po intensyon ng tao na pagsabayin talaga,” sey ni Cristine.

Paano raw mangyayari na pinagsabay sila ni Rayver kung naging sila ng aktor September 14 nung nakaraang taon, samantalang nag-break naman sina Sarah at Rayver summer of last year?

Wala raw siyang kasalanan sa nangyari at ayaw na niyang magsalita pa tungkol dito. Hindi raw totoo ang tungkol sa muli niyang mga pagpapasaring kay Sarah sa Twitter.

Although may imaheng palaban si Cristine, naaapektuhan pa rin daw siya ng mga negative write-ups about her and Rayver. Tao lang naman kasi siya na nasasaktan kapag may bumabato sa kanya.

“Siyempre, hindi naman alam ng mga tao. Hindi naman nila kami nakikita ‘pag wala sa camera. Nasasaktan din kami. Tingin kasi ng mga tao, porke’t nagalit ka, nakapagsalita ka ng mga gano’ng bagay, masama ka nang tao. Hindi naman po gano’n yun.

Para sa akin, nadaan lang po ako do’n sa pulso ko, ‘yung galit, pero it doesn’t mean na masama akong tao,” lahad ng aktres.

Gusto na raw niyang matapos ang gulo sa kanilang tatlo. “Basta ang wish ko lang, matanggap na lang po ng iba na masaya na kami and matanggap nila na wala po kaming kasalanan sa kanila.

“Matanggap nila na hindi namin ginusto ‘yung mga nangyari before. Basta ang naparating lang po namin na dapat, hindi po nila kami sinasabihan ng kung anu-ano, kasi, wala naman po kaming kasalanan. ‘Yun lang naman po yung sa amin.

“Tama na. Gusto ko na pong matapos ang isyu para tahimik na kaming lahat. Nasabi ko na ‘yung dapat kong sabihin. Naparating ko na ‘yung gusto kong maparating. Siguro, time na para mag-move on na tayong lahat,” pahayag pa ni Cristine.

When asked if she has a message for Sa-rah, wala raw siyang gustong sabihin pa rito.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “CRISTINE REYES, UMAARAY SA PANINIRA!

  1. Mr. Boy Abunda sana lang kapag-nag-iinterview ka nang artista. huwag naman iyong OO ka nang OO ibigay mo naman ang side at paniniwala mo. Alam namang nang lahat na nag-master ka..mag-bigay ka naman kahit konting say at advice sa mga guest mo hindi iyon Okay ka nang okay.pa-a-ano ma sasatisfy ang mga manood kung wala ka man lang sinasabi kahit alam mong mali. sa isang talk show dapat marunong karin mag-bigay nang puna para naman makita nang mga taong nanonod , na pag-mali ang artista. sinasabi mo at bini-bigay mo ang opinion mo. Pinipilit mong huwag kang makasakit..pero kailangan dahil nasa talk show ka. Tignan mo si Kris nasasabi niya ang opinion niya . Gaya nang naging guess nyo si CR. sabi niya hing naman siya naging 3rd party dahil siya ang pinili. Hindi nyo man lang sinabi na and 3rd party , kapag mag bf at gf ang dalawang tao at naki-halo ka 3rd party na iyon, pinili ka mang o hindi. sana lang mag-karoon kayo nang segment na ganoon sa show nyong d buzz. para naman may – matutuhan ang mga guess nyo..lalu na kapag may-guess kayong utak talangka na paris ni CR at RC. para matututo naman sila. iyong bang may kaunting aral silang matu-tutuhan sa Show nyo…at mai-bigay nyo naman sa aming manonood na utang nyo sa amin kung bakit na a-air pa ang show nyo bigyan nyo naman kami nang i-satisfy nyo naman kami. bilang mano-nood nyo lalu na pag-nag-cocoment nang mali ang guess nyo, na puwedeng itama sa magandang paraan.    para sa susunod na pag-kakataon ay hindi na gagawin ang mga nagawa nila.  

  2. KAY CHRISTINE…TOTOO HINDI SIYA PLASTIC…KASI KAHIT ANO INO-OFFER NIYA…AT WALA SIYANG PAKI-ALAM MAKAPANAKIT NANG IBA…KASI SA PAG-KAKA-ALAM KO. SA NAPALIIT NA BAGAY SUMI-SIKLAB IYAN NA PARANG APOY…HINDI BA NAMAN NAPA-LIIT NA BAGAY ANG MAY MARINING ANG BF NIYA KUNO NOON.. NA HABULIN NANG  MGA SEXING BABAE ANG MGA DANCER..AT ITO NAMAN UTAK TALANGKA DING BF NIYA…TSINISMIS NA NIYA DITO SA ISANG UTAK TALANGKA DIN…AT NAG-SIKLAB SA GALIT ANG AT NAG-TWEET NANG TWEET. LUKARIT TALAGA..SA GANOON KA-LIIT NA BAGAY NAG-SISIKLAB PANO NA KAYA PAG-MALAKI? MATANONG NGA SI DENNIS TRILLO. AT ISA PA SIYA LANG BA ANG SEXING BABAE EH KUNG TITIGNAN MO MAS SEXY PA ANG HUGIS NANG KATAWAN NI SARAH KAYSA SA KANYA,,KASI KAHIT BALOT NA BALOT SI SARAH NAKIKITA ANG MAGANDANG HUGIS NANG KATAWAN NIYA. NA HINDI NA NIYA KAILANGAN PANG HUBARIN PARA MAKITA ITO. KAYA SUWERTE TALAGA ANG LALAKING PAPAKASALAN NIYA. IYON LANG IYON CHRISTINE IKAW MAY IPAG-MAMALAKI KA PA BA SA MAGIGING ASAWA MO ? E LASPAG KA NA!!!! AY OO NGA PALA MERON…DAHIL IKAW ANG MAG-PAPAKAIN SA KANYA AT HUWAG KANG MAGING SINUNGALING NA BREAK NA SILA NI SARAH NANG MAGING KAYO, NANG STUPID NA BOYFRIEND MO NGAYON, DAHIL HINDI MASA-SAKTAN NANG GANOON ANG ISANG BABAE KUNG WALA NA SILA NANG BF NUNG MANGYARI ANG PANGA-NGALIWA NI LALAKE. WHO CARES BA KAHIT SINO ANG IPALIT ESPECIALLY PAG WALA NA KAYO…KAYA CHRISTINE HUWAG MONG GAWING STUPID ANG MGA TAO, HINDI SILA KASING STUPID NA KATULAD MO. !!!!  YOU GO IT????? 

  3. di naman plastik c crisitne reyes.. KAYA NGA SIYA MARAMING KAAWAY DIBA. AHAHHAHA.. SI SARAH ALAM LNG NIYA KUNG KELAN MAG SASALITA SA TAMANG ORAS AT PANAHON. SYEMPRE SARAH AS A MODEL SA MGA KABATAAN TAMANG IPAKITA NIYA KUNG ANU ANG TAMANG UGALI NG BAGONG MARIA. KUNG NAGING TAHIMIK MAN C SARAH DI IBIG SABIHIN NUN NAH PLASTIK XA. EH TLGNG YAN ANG UGALI NIYA TAHIMIK MUNA AT INIISIP ANG SASABIHIN NG HINDI MAKASAKIT SA KAPWA AT DI MAKASAKIT PA. KAHIT SINONG MAGULANG PAPANIGAN SI SARAH DAHIL SA PINAKITANG TAMANG UGALI’T PANANALITA,

  4. talagang aaray si cristine reyes kc ayaw ng tantanan ng mga taong walang magawa…..in my opinion mas totoong tao si cristine kay sarah…ipinakita lang ni cristine ang totoo, kung pa'no magalit, pa'no madismaya, pa'no masaya at pa'no malungkot. pero hindi ibig sabihin na bad person na sya….hindi naman tayo robot, at isa pa kasalanan ba niya kung naibaling ni rayver ang pagmamahal niya na dapat kay sarah sana….diba hindi…..si sarah marunong lang magmanipulate ng tao kaya love sya ng tao pero hindi nila alam ang tunay na pagkatao ni sarah off cam, lalo na sa loob ng bahay nila…..ewan ko na lang sa kanila….wala akong pinapanigan sa kanilang dalawa, sinasabi ko lang kung ano ang narinig ko, kung ano ang nakikita ko at kung ano ang nababasa ko….sinusundan ko ang isyu nila mula umpisa hanggang ngaun….uulitin ko lang si cristine reyes ang totoong tao…hindi PLASTIK.

  5. Pingback: CRISTINE REYES, UMAARAY SA PANINIRA! | Cristine Reyes CRISTINE REYES, UMAARAY SA PANINIRA! | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

Leave a Reply

Your email address will not be published.