Cristine Reyes, topakin at bastos?!

MAY MATINDING DAHILAN pala kung bakit dumistansiya kay Cristine Reyes ang kanyang mga kasamahan sa Banana Split. Dumistansiya ang mas tamang terminong dapat gamitin, hindi pinagkaisahan. Dahil kung tutuusin, walang anumang ginagawang masama sa dalaga sina RR Enriquez, Angelica Panganiban at Pokwang.

Ang insidente ay naganap sa isang okasyon kung saan inimbitahan ang mga artista ng ABS-CBN para mag-perform. Maayos ang daloy ng trabaho, masasaya ang mga artista, hanggang sa may narinig na lang ang lahat ng nandu’n na may nagtutungayaw na babae.

Sinisigawan ng babae ang kanilang EP (executive producer). Meron siyang reklamo tungkol sa isusuot niyang damit sa pagsasayaw. Nanliliit ang mga nandu’n habang binabastos ng babae ang kanyang EP.

Minarkahan ng mga tao sa paligid ang inugali ng babae, EP pa naman niyang naturingan ‘yung tao, pinakatagapamahala ng programang kinabibilangan niya sa network. Pero dahil sa maliit na bagay lang, nagawa niya itong bastusin.

“Si Cristine Reyes ang babaeng nambastos sa EP nila. Maraming nakakita-nakarinig sa ginawa niya sa kanilang EP, maraming napailing na lang sa ginawa niya,” kumpirmasyon ng aming impormante.

Mula noon, dumistansiya na sina Angelica, RR at Pokwang kay Cristine. Para silang nailang sa kanilang kasamahan. Hindi nila kayang tanggapin ang ginawang pambabastos ni Cristine sa kanilang EP.

Ang naging barometro ng tatlong kasamahan ni Cristine, kung sa kanilang EP ay nagawa niya ‘yun, sa kanila pa kaya ‘yun hindi magagawa ng dalaga?

“Mula noon, parang dumistansiya na sina Pokwang, Angelica at RR kay Cristine, nakita kasi nila ang nangyari. Binastos talaga niya ang EP ng Banana Split.

“Kayo man ang lumagay sa posisyon nu’ng tatlo, hindi ba kayo magdadalawang-isip na kaibiganin pa rin si Cristine sa klase ng attitude na meron siya?

“Nu’ng makahalata na si Cristine na medyo dumidistansiya na sa kanya ‘yung tatlo, du’n na siya nagsimulang magkuwento ng kung anu-ano sa mga nakakausp niya. Pinagkakaisahan daw siya nina Angelica, Pokwang at RR.

“Hindi siya pinagkakaisahan dahil gusto siyang ibagsak at siraan ng tatlo. Dumistansiya sa kanya ang mga kasamahan niya dahil sa ipinakita niyang ugali. Sino naman ang magkakagustong maging kaibigan ang isang bastos na tulad ni Cristine?” Patuloy na kuwento pa rin ng aming source.

TAMA NAMAN ANG linya ng argumento ni Cristine Reyes. Hindi na raw siya masaya sa ABS-CBN, kaya gusto na niyang bumalik sa GMA-7. ‘Yun naman ang batas ng buhay, kapag hindi ka na masaya, lumabas ka. Dahil mas mahirap ang magpanggap at magtiis.

Pero kailangang maging malinaw na ang kalungkutan ni Cristine ngayon sa bakuran ng ABS-CBN, lalo na sa bisinidad ng set ng Banana Split, ay hindi galing sa ibang tao.

Siya mismo ang gumagawa ng kalungkutan. Sa kanya nanggagaling ang dahilan para layuan siya ng kanyang mga katrabaho, at kapag higit na sa isa o sa dalawa ang umaayaw sa kanya, kailangan nang manalamin ni Cristine Reyes para matanong niya ang kanyang sarili kung ang mga ito ba ang mali o siya na?

Kahit saang lupalop makarating si Cristine, kung ang problema ay nasa kanya, wala siyang makakasundong katrabaho. Palagi lang siyang irereklamo dahil sa kanyang attitude problem.

Topakin kung ilarawan ng marami si Cristine. Depende sa lagay ng panahon ang kanyang mood. May mga pagkakataong pormal siya at walang kibo. Pero meron namang mga panahong para siyang sinisilihan sa puwet na hindi mapakali sa isang lugar sa sobrang kakulitan.

At hindi kagandahan ang tabas ng dila ng dalagang ito. May nabasa na kaming mensahe niya sa isang artista, napakalayo ng kanyang pananalita sa simple niyang hitsurang napapanood natin sa telebisyon.

Napakalayo.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

31 thoughts on “Cristine Reyes, topakin at bastos?!

  1. mas lalo kna cristy mas panget ugali mo bka nakakaliutan mo mas maraming galit sayo dahil sa masamang tabas ng dila mo..bago mo tignan ung ugali ng kapwa mo!! ayusin mu muna ugali mo!!!

  2. infairness kay Fermin totoo ang sinulat niya. Nung nakita namin sa eastwood dated 31 of Dec. 2007 ng gabi kasama 2 friends nya kumain sila sa pizza hut tapos sinundan namin kumain din kami sa pizza hut ang ingay nya at nung lumabas na sila ang ingay ingay nya para siyang kiti-kiti at tapos pumunta sila sa starbucks sa labas sila pumuwesto ang ingay talaga parang nagpapapansin sya di pa masyadong sikat non naka sumbrero nga sya para sya ewan sa kaingayan gulat nga kami di naman ganyan sa tv yan pormal kabaligtaran pala.

    • kaya nga mas maganda pa yung artistang nakikita natin on tv na jojologs jologs, kengkoy, bold, loud kasi usually sila ang mga totoong tao! compared sa mga pahinhin at pasmile-smile lang…pa-english english pasosyal etc….

  3. Nung nakita namin sa eastwood dated 31 of Dec. 2007 ng gabi kasama 2 friends nya kumain sila sa pizza hut tapos sinundan namin kumain din kami sa pizza hut ang ingay nya at nung lumabas na sila ang ingay ingay nya para siyang kiti-kiti at tapos pumunta sila sa starbucks sa labas sila pumuwesto ang ingay talaga parang nagpapapansin sya di pa masyadong sikat non naka sumbrero nga sya para sya ewan sa kaingayan gulat nga kami di naman ganyan sa tv yan pormal kabaligtaran pala.

  4. naku yung iba dito kung magsalita akala mo kilalang kilala si christine, si cristy ay may SOURCE, eh kayo, WALA! si nitz mirales mismo ay narinig ng dalawang tainga niya na napakalutong magmura niyang si christine, si RR pala yung minumura niya sa text.. wala palang kwenta yang babaeng yan, isang taon lang sumikat, masyado nang nagmamaganda.. lilipas din siya at maguumpisa nang malaos

  5. Hay title pa lang ng article mo negative na. Napaka wala mong modo para manghusga ng tao. Nakakairita na puro pangit lumalabas sa bibig mo.
    Wala nang naniniwala sayo oy, magtanim ka na lang ng kamote sa disyerto baka swertihin ka pa. Malamang kahit buhawi iluluwa ka sa kapangitan mo

    • eh sa bastos naman talaga si Cristine – di maganda ang ugali, choosy at may pagka arrogante pa. may sources na po si tita cristy – si tita cristy na yan ha…

  6. may naniniwala pa ba kay cristy fermin??

    cristine reyes is not known to be bastos,as opposed to cristy fermin who has tried hard to destroy the name of others.

    • hahaha! so true….kaduda duda na tlga ang mga balita ni cristy fermin pero in this case mukhang sumakto kc mukhang may paltik tlga yan si cristine reyes e! at hello ha di sya pretty maputi at flawless l ng din pero seksi naman in fairness.,,,nakikita ko kasi sa miriam nung araw yan si cristine reyes!!!

  7. hate ko c cristy fermin pero pero pabor ako sa report nya ngayon!dba last tym,ganito din ang inasal ni christine na ayw na nya sa GMA at gusto nya mging isang kpamilya??!!pareho lng tlga ang situation kc gusto nyang lumipat khit may kontrata pa!!!so klarong klaro na hindi marunong makuntento s buhay c christine!!!!nkikita ko na ang sakit ng lagapak ng kasikatan ni eva fonda!!!babagsak yan sooner or later!dats very sure!!!adios!

  8. hate ko c cristy fermin pero pero pabor ako sa report nya ngayon!dba last tym,ganito din ang inasal ni christine na ayw na nya sa GMA at gusto nya mging isang kpamilya??!!pareho lng tlga ang situation kc gusto nyang lumipat khit may kontrata pa!!!so klarong klaro na hindi marunong makuntento s buhay c christine!!!!nkikita ko na ang sakit ng lagapak ng kasikatan ni eva fonda!!!babagsak yan sooner or later!adios!

  9. hahays eto na naman si cristy ngetpa na ito. todo gawa ng storya na kesyo may source daw sya.. hahaha..
    very obvious na gawa gawa ang sinasabi nya..

  10. Owws , Cristy Fermin totoo ba yan? O baka ayaw ka lang biyayaan ni cristine ng pera kasi wala naman sya nun. Cristine bumalik ka na lang kay dennis baka lumigaya ka pa. ( Dennis Padilla) hahaha!! para may love triangle kuno kayo ni marjorie baretto.

  11. Pero bkit kahit nung nsa GMA-7 pa sya my mga issue na syang ganyan? My attitude problem? Di nyo ba naisip na siniraan din sya nga m0ther netw0rk nya? Sag0t mga kapuso! Puro kau salita di nMn kau nag iisip! Iniicp nyo ABS ang naninira, at talagang bu0ng netw0rk p ang dinamay nym. An0ng mentalidad yan. Eh saBi pa mismo ni cristine na sa ABS-CBN sya MAS SUMIKAT, NAKILALA AT YUMAMAN! Totoo nMn yun. Kita nyo # 1 sya as of the m0ment s FHM.! As of the m0ment ha, bka mag react mga marian fans!

  12. hay naku cristy hayan ka na nman, hilig mo talaga kumampi sa artista! Lagi kang one sided! Nakausap mo na ba si Cristine?? Sna hiningi mo muna yung side nya..unless nakita at narinig mo mismo ang “pambabastos na ginawa nya” ugali mo asal!…

  13. Ive never heard na naging bastos si cristine shes a queit type of person yon ang mga comments ng mga kasama nya nabasa ko lang ….youre only making fantasy totoo nga siguro binayaran kalang mukhang pera ka nga dahil ang alam ko mahirap pa sa daga ang buhay mo ngayon youre a nobody now yan ang totoo. And for alll you know kung hindi marunong si cristine makisama bakit nagtagal sya ng 2 yrs. sa banana split but all of a sudden nang dumating si pokwang duon na nag umpisa ang lahat na gulo.

  14. Nagpapabango na si Fermin sa EBS, gusto makabalik sa istasyon. May mas lalala pa ba sa tabas ng dila ng writer/reporter na Fermin?!?!

  15. hoy… cristy fermin saan mo naman napulot yong mga stories mo na pawang kasinungalingan sino ba ang nagbayad sa iyo malake bang halaga? kung ako si cristine i will file a lawsuit against you hindi kana ba nadala sa mga kasong laban sa iyo dahil sa mga walang katotohan na article na sinusulat mo diba malake ang binayad mo kay annabelle rama sa mga sinusulat mo laban sa kanya nuon pareho lang kayo ni pokwang na matandang at mukhang aswang

  16. hmmm demolition job ba ito dahil lilipat na si Cristine sa siete? at bakit si cristy fermin na walang kredibilidad ang binayaran ng ABS para gumawa nun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.