Cristine Reyes to marry Rayver Cruz?!

SA PRESSCON NG kanyang bagong pelikula under Viva Films, excited si Cristine Reyes sa panibagong hamon na naman sa kanyang acting career. Masyado niya raw kasing ibinuhos ang kanyang galing para sa pelikulang Tumbok, para naman daw matuwa ang movie-going public sa kanilang pelikula.

Pero itinanong pa rin namin sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal. Una naming inurirat ang tungkol sa lovelife ng kanyang ate na going strong with a non-showbiz guy.

“Sana, pero hindi pa naman namin natatanong si Ate, if ever malalaman din naman namin. Sana nga eh, para meron na naman kaming mga pamangkin ulit, na bago.”

Eh sila kaya, may plano na rin kaya silang magpakasal ni Rayver? “Ako? Sa sarili ko, matagal pa ako, para sa akin pagdating ng 30… marami akong kaibigan na 30 na, single pa rin, okay naman sila.”

At dahil namamayagpag din ang kanilang pag-iibigan ng binata, sa tingin niya si Rayver na kaya ang masuwerteng lalaking makakatambal niya sa pagharap sa sakramento ng kasalan? “Kasi para sa akin ‘pag may bf ako, ‘yun na, ayoko na nang papalit-palit.”

Prangka ka, ‘day!

NOONG HUWEBES, ABRIL 28, nagsampa na ng kasong libel sina Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque laban kay Aiko Melendez at iba pa sa korte ng Malolos. Kasabay rin ng pagsampa ng kaso ng dalawa ang pagdeklara namang ‘persona non grata’ kay Aiko at sa iba pang pangalang sangkot sa demanda sa inilabas na resolusyon na pirmado ng 21 mayors ng League of Municipalities, Bulacan Chapter.

Ayon pa kay San Ildefonso Bulacan Mayor Carla Galvez Tan, “Lahat kaming mayor ng lalawigan ng Bulacan ay nandito ngayon to support Mayor Patrick and Mayor Enrico. We know that these persons are very respectable persons at ako palagi ang kasama ng dalawa and it’s impossible.”

San kaya hahantong ang masalimuot na pangyayaring ito? Ang masasabi lang namin, (pahiram ‘Nay Cristy), itanong natin sa bulaklak.

BLIND ITEM: KINSA Siya? Sino itong young actress na gusto na raw yatang isumpa ng isang may-ari ng resort sa Boracay? Ang rason, hmmpppp, ilalahad na namin.

Kuwento ng aming malditang source, nakausap daw niya itong resort owner noong kasagsagan ng Holy Week vacation niya sa Bora at an’dami raw nitong sentiyemento sa isang young actress na diumano ay nagpa-reserve ng dalawang kuwarto sa kanyang mala-paraisong pag-aaring beach resort.

Good for four daw ang inilaan nitong resort owner dahil nga raw apat silang magbabakasyon since artista itong kanyang kausap, libre as in 100 percent ex-deal lamang ito para na rin pang come-on sa mga turistang bibisita sa isla. Ipinahanda pa raw nito ang dalawang malalaking artista rooms para sa kanyang kausap na young actress.

Noong dumating na raw ang araw na naka-takdang mag-check-in itong si young actress sa kanyang hotel, ni anino raw nito ay hindi naaninag, kundi ipinadala raw sa nasabing resort ang kanyang dalawang yaya. Naku poh, naloka siyempre itong si resort owner, kasi imbes na maibigay sa mga turista at kikita pa siya sa dalawang malalaking kuwarto na kanyang ini-reserve para sa young actress, heto at pinagpistahan ng dalawang yaya ng actress ang pina-reserve nitong rooms.

At ang lalo pang ikinaloka raw ng resort owner, sa ibang hotel daw ito nag-check-in dahil kasama ng young actress ang kanyang papa, hindi ama ha, kundi boylet, as in boyfriend.

Ayaw ng mga kababayan natin ng ganyan, huh!

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Cristine Reyes to marry Rayver Cruz?!

  1. Naku ha, ayaw ni Sarah Geronimo nang ganyang usapan. Saka na pagusapan ang kasal, Rayver-Christine. Bata pa kayo. Huwag makinig sa sulsol.

  2. eh b0b0 pla ung resort owner., dapat nag verify siya kung tutuloy talga sa resort ung actress, puro lang kasi assumption ayun yaya ang nagfiesta~…hahahaha

  3. Pingback: Cristine Reyes to marry Rayver Cruz?! | Cristine Reyes Cristine Reyes to marry Rayver Cruz?! | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

Leave a Reply

Your email address will not be published.