Cristine Reyes, tinanggal bilang endorser ng cosmetic products dahil sa kaartehan?

Cristine-ReyesTINANGGAL DAW bilang cosmetic product endorser dahil sa kaartehan at pagiging prima donna.

Nainis daw ang management ng produkto para sa isang pictorial sa sobrang demanding diumano ni Cristine.

Ayaw na may kasamang kapwa artista sa dressing room at gusto ibang time ang kanyang pictorial. Kaya nalokah ang lahat. How true ang tsikang ito.

TUWANG-TUWA SI Sylvia Sanchez sa kanyang apo sa Ningning na si Jana Agoncillo. Bukod kasi sa magaling umarte ay super propesyunal nga raw ang batang actres.

“Palaging nagtatanong daw ang bata kapag may eksena kung from the top o for cure, katuwa talaga. Alam niya ang ginagawa niya,” sey ni Ibyang.

Marami ang nagsasabi na bakit siya tumanggap ng lola role?

“Artista ako, e. At okey naman sa akin dahil 5 years old lang naman si Jana,” sey pa niya. “Wala namang ipinagkaiba sa anak ang apo, parang parehas lang. Pero sabi nga nila, ang anak ang puhunan at ang apo ang tubo na.”

Basta enjoy si Ibyang sa bago niyang project tuwing Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime.

Mamamatay sa inggit ang mga nang-iintriga sa kanya.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleHeart Evangelista, kahit nagma-mature na, marami pa rin ang nagkaka-crush
Next articleBea Alonzo, aminadong may pinagdaraanan sila ni Zanjoe Marudo

No posts to display