Cristine Reyes, sobrang taas ng asking price!

BAKIT KAYA MAY naglabasang tsismis before Holy Week na hindi raw nag-renew ng contract si Papa Piolo Pascual sa ABS-CBN, dahil diumano’y susundan daw niya si Mark Bautista sa GMA-7? Why, oh why kaya? Mag-on ba sina Papa PJ at Papa Mark?

Wala naman silang opisyal na pag-amin na silang dalawa na ang mag-on, kaya bakit naman ipagpapalit ni Papa PJ ang pag-renew ng kanyang contract sa channel 2 over Papa Mark?

Ang official na press release ng dalawa, best of friends lang daw sila bukod pa sa magkasama sila sa isang Christian Fellowship. Hindi sila mag-on. Hindeee!!! Pareho silang lalaki, ‘no!

At para magkaroon na rin ng peace of mind ang iba riyan, recently ay pumirma na raw ulit ng contract si Papa PJ sa Dos.

Kaya uulitin po namin, hindi pa umaamin sina Papa PJ at Papa Mark na sila na. Hindeee!!!

KAWAWANG CRISTINE REYES. May nakapagsabi sa amin na before Holy Week, e, all set na raw siya na pupunta siya sa US of A para magbakasyon at para mag-show sa iba’t ibang cities.

Op kors, hindi na rin siya tumanggap ng mga projects and raket sa duration ng kanyang stay sa Tate dahil sa conflict of schedule.

Unfortunately, hindi raw siya nabigyan ng US Visa sa huling pag-apply niya kaya hayun, ilang projects ang nawala sa kanya na dapat sana ay kikita siya ng malaki. Siyempre, hindi na rin natuloy ang dapat sana ay mga raket niya sa Tate kung saan kikita sana siya ng dollars.

Kahit na ang kanyang manager na si Tita Veronique del Rosario ay nanghinayang din daw sa mga nangyari at aminadong luhaan sila sa mga raket kay Cristine dahil du’n.

Pero ito ba ang dahilan kung kaya’t tumaas daw nang todo ang talent fee ni Cristine sa kanyang mga appearances at guestings?

Sabi kasi ng isang “friendship” namin na nag-invite kay Cristine para sa kanyang appearance sa isang birthday celebration kung saan nagbigay siya ng tatlong kanta, tumataginting na P400K daw ang kanyang siningil na kinagat ng “friendship” namin dahil idol talaga ng birthday celebrant ang sexy star.

Hmmm… with the sky-rocketing figures na asking price ni Cristine sa “friendship” namin, mukhang bumawi siya sa pagkawala ng raket sa Tate at the expense of the poor birthday celebrant.

Hay naku. Ang mga taartits talaga, kung minsan, mahilig mag-bread tripping!!!

TODAY ANG SIMULA ng 26th season ng Daisy Siete, ang Adam or Eve. This time, si Rochelle Pangilinan pa rin ang bida gaya nu’ng nakaraang season.

Dual role ang gagampanan dito ni Rok bilang isang girl at isang tomboy. Kaya lang, medyo ‘kaaliw ang kanyang hitsura kapag nag-aayos tomboy dahil nakakamukha niya si Aiza Seguerra. Hek-hek-hek!!!

Sa season ding ito nagbalik ang magaling na writer na si Suzette Doctolero after a few seasons na hindi siya ang nagsulat.

With her come back as the writer, inaasahan na papalo ulit sa mataas ang ratings ng Daisy Siete gaya ng nangyari noon.

Pero in fairness naman sa Focus Entertainment, kahit na nu’ng wala si Suzette at si Mother Joy Cancio ang tumitira ng script ay hindi rin naman nawawala sa rating games ang Daisy. Wa ek.

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

13 thoughts on “Cristine Reyes, sobrang taas ng asking price!

  1. hey Joey sarmiento stop mking false articles ur just jealous of piolo because he’s better than u bitch!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. Siyempre noh> Siya ang original na Bubungan Beauty–dahil nasalanta yung bahay niya sa bagyo di ba? of course she wants a brand new house! or baka condo pa nga~ Para hindi na siya mag hide sa bubong.

  3. PD BA TANTANAN NYO NA C PAPA PIOLO!!!!!E2NG WRITER NA TO MAY MAISULAT LANG TALAGA BWISIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. naku kung mataas man ang asking price ni Kristine she deserve to ask high naman di ba?
    naku pwede ba tantanan nyo na si PAPA PIOLO…

  5. di ko maintindihan but for some reason…. nababaduyan ako sa suot na damit ni Mark Bautista . kahit na ano isuot nya…pronbinsyano pa rin tingin ko sa kanya. Hindi sya marunong magdala ng damit. just my opinion… peace :)

  6. kung totoong may relasyon si piolo at mark wala na tayong magagawa dun, wala tayong karapatan husgahan ang mga taong nagmamahalan at naghahadahan

Leave a Reply

Your email address will not be published.