Cristine Reyes, pumupunta pa rin sa condo ni Dennis Trillo?!

NATAWA NA LANG si Dennis Trillo nang inintriga na naman namin ito sa presscon ng bagong programa niyang Love Bug na magsisimula na sa darating na Linggo.

Nu’ng nakaraang Sabado kasi ay may konting salu-salo si Jennylyn Mercado sa kanyang bahay para sa kanyang kaarawan at naroon dapat si Dennis.

Pero kuwento naman ng isang kaibigan naming may hinatid sa condo, kung saan may unit doon si Dennis, nakita raw niyang naka-park doon ang kotse ni Cristine Reyes.

Siyempre kapag nandu’n si Cristine, ang intindi na ng mga nakatira roon, si Dennis ang sadya ng seksing aktres.

Kaya tinanong namin si Jennylyn kung kasama ba niya sa birthday dinner nito si Dennis. “Oo naman po,” sagot nito sa amin.

Natawa na lang si Jennylyn nang sinabi naming nakita ang kotse ni Cristine sa condo ni Dennis. Pero binawi naman naming baka iba naman ang sadya niya roon. Baka may iba naman siyang kaibigang doon din nakatira na pinuntahan nitong si Cristine. “Baka nga po,” sagot naman sa amin ni Jennylyn.

Kaya kinlaro namin ito kay Dennis para malinaw. Nagtagal nga raw siya kina Jennylyn at pagkatapos daw nu’n ay tumuloy na siya sa bahay nila sa Marikina dahil nandu’n daw ang anak niyang si Calix. Doon na raw siya natulog dahil somewhere in Marikina raw ang taping niya kinabukasan. Kaya hindi na raw siya nakabalik sa condo unit niya.

Ang pagkakaalam ni Dennis, doon din sa condong ‘yun nakatira ang make-up artist ni Cristine.

“Wala namang dahilan para puntahan niya ako du’n,” dagdag pa niyang pahayag.

Tinapos na ni Dennis ang pag-uusap na ‘yun at mabuting tutukan na lang daw ang bagong programa niya sa GMA-7 na susunod sa Party Pilipinas sa darating na Linggo. The Last Romance ang title ng episode na ito sa Love Bug na magtatagal ng isang buwan.

Kasama ni Dennis dito si Carla Abellana, kung saan kinunan pa nila ang ilang mahalagang eksena sa Hong Kong.

NGAYONG ARAW AY magpa-ultrasound na si Sunshine Dizon para ma-confirm kung buntis nga talaga ito.

Pinayuhan kasi ito ng doktor na magpahinga muna dahil baka nga buntis ito. Hanggang sa nagpa-test si Sunshine at nag-positive nga raw ito. Pero ayaw pa muna nitong magsalita dahil mabuting ma-confirm daw niya sa ultrasound kung buntis nga ba talaga.

Kung kumpirmadong buntis, doon niya malalaman kung ilang weeks na ang dinadala niya.

Hindi na nga muna raw ito magpa-Party Pilipinas dahil mapapagod lang siya sa biyahe gawa nang madalas ay out of town ito.

Pati ang guesting sa Diva ay tinanggihan din nito dahil mas mabuting mag-rest daw talaga para matiyak na safe lang ang kanyang dinadala.

Tinatapos lang ngayon ni Sunshine ang pag-aaral niya ng Culinary Arts at malapit na siyang mag-graduate. Kaya gusto raw niyang tapusin ito bago siya magpahinga nang husto.

Nakapanayam ni Ricky Lo si Sunshine kasama ang asawa niyang si Timothy Ong Tan para sa Startalk at doon sinagot niya ang tungkol sa inaasam niyang pagbubuntis at ilan pang mga intriga sa kanilang mag-asawa.

Abangan na lang ito sa darating na Sabado.

By Gorgy’s Park

loading...

One thought on “Cristine Reyes, pumupunta pa rin sa condo ni Dennis Trillo?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.