CRISTINE REYES, PINAG-SORRY NG ABS-CBN KAY SARAH GERONIMO!

SA MARCH ISSUE ng YES Magazine inilahad ang lahat ng mga anggulo sa hiwalayang Sarah Geronimo at Rayver Cruz. Dito rin inihayag kung paano nalaman ni Sarah ang tungkol sa namuong relasyon nina Cristine Reyes at Rayver. Sa naturang issue, hindi pa man daw hiwalay sina Sarah at Rayver, nabuo na ang pag-iibigan naman nina Cristine at ng aktor, na labis labis daw na iniyakan ng Pop Princess, ayon sa kanyang personal assistant.

Nung Sabado, dumayo pa kami sa Pampanga upang mahingan ng komento si Cristine sa issue at kung ano ba ang mga reaksiyong nakakarating sa kanya nung lumabas na ang exclusive tell-all interview ni Sarah. “Wala namang mga reactions,” sagot ng aktres.

Sa nasabing interview, feeling ba niya ay makakahinga na siya at tuluyan nang makapag-moved on ang dalawang panig?

“Oo much better na, peaceful na ako and all, so there’s nothing more to worry,” aniya.

Gaano na kaya kasaya ang puso niya ngayon?

“Masaya! Okay naman po ako, wala na akong hinihiling pa. Work na lang nang work.”

Sa interview kay Cristine, nabanggit daw nito ang tungkol sa mga ‘matatanda na sumasali pa sa kanilang problema’?

“Siguro opo. Nasabi ko po yata,” aniya.

Sino naman ang pinatutungkulan niya roon?’

“Ayoko nang magsalita tungkol sa isyu, masyado nang mahaba. Gusto kong matapos na para makapagsimula na tayo. Huwag na po nating pilitin, kasi sa ngayon, iniiwasan ko nang magsalita. Iniiwasan ko  na pong mag-comment para matapos na ‘yung issue.”

Totoo ba na pinagsabihan daw siya ng ABS-CBN na mag-apologize kay Sarah nung kasagsagan ng kanilang away?

“Opo,” ang tanging sagot ni Cristine. Ginawa raw niya ito para matapos na at matahimik na ang kanilang mga buhay. Sa ngayon daw ay ‘peaceful na at peace na ang lahat’, dagdag pa ng seksing aktres.

NAKAUSAP NAMIN SI Bryan Revilla sa launching ng kanyang bagong negosyong sapatos na Mint Design na ini-export sa ibang bansa.

Bakit sa negosyo ang focus niya ngayon at hindi sa pulitika kung saan nalilinya ang kanyang pamilya?

“Halos everybody in my family ventured into politics, ako naman, I wanted to separate. I wanted to do something different na I am passionate about. And I really love sneakers, I’m a big fan, kaya dito muna ako,” sagot ng aktor.

Pero hindi pa naman daw siya totally nahiwalay sa usaping pulitika. “I’m basically working for my dad, I love helping people, sa mga natulu-ngan namin mula pa sa lolo ko up to my parents, masaya ako sa gano’n, kaya somehow, may usaping pulitika pa rin sa buhay ko,” aniya.

Preparasyon na ba ito sa pag-aasawa niya kung sakaling makahanap na siya ng babaeng mamahalin?

“No. I just want to do something to establish myself as a young bachelor, pero wala pa sa isip ko ‘yan,” pagtatapos ni Bryan.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “CRISTINE REYES, PINAG-SORRY NG ABS-CBN KAY SARAH GERONIMO!

  1. Oh my god maybe you guys didn’t know really what the story for,look and understand sa mga tweets ni cristine Kay Sarah parang napakababaw nyang Tao kasi just only a boy RAYVER CRUZ that feeling guapo,,,,,makapag sasabi say ng ganun why?anu ba si RAYVER diyos para sa kana or did RAYVER had score to her it’s so mababa yong reason ni cristine,….for me Tama Lang na magsory si cristine Kay Sarah coz she was so wrong….GET IT????????

  2. huling halakhak, owws? baka naman na kay Dennis Trillo, Janno Gibbs at kung sino-sino pa ang huling halakhak, kase si DONALD DUCK ang taga-salo ng tira-tira nila!

  3. kahit mag-sorry pa si CRISTINE kay SARAH ng paulit-ulit, nasa kanya pa rin ang huling halakhak dahil siya ang pinili ni RAYVER. 'yun lang!

  4. Naku Cristine If I were you di ako mag sosorry diyan…maldita yan, tama ka pa sweet image lang yan pero suplada yan di ko type ugali niyan, isa pa yung alalay niyang sobrang taray…

  5. Pingback: CRISTINE REYES, PINAG-SORRY NG ABS-CBN KAY SARAH GERONIMO! | Cristine Reyes CRISTINE REYES, PINAG-SORRY NG ABS-CBN KAY SARAH GERONIMO! | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

  6. …mabuti`t marunong si cristine humingi ng sorry,e dapat lang din naman.. dahil may rayver na sya ,may iloveyou 4xaday pa sya…kalerkiiiii…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.