Cristine Reyes, pati press inaaway na rin!

MALAKI TALAGA ang magiging epekto kay Cristine Reyes ng mga kontrobersiyang sunud-sunod na nangyayari sa kanya. Nauna na nga riyan ang ma-tinding hidwaan nila ngayon ng kanyang ate na si Ara Mina. Pangalawang hindi makatutulong sa career ng seksing aktres ay ang panlalait niya sa press na sinabi niyang mga bayaran daw. Iyan kasi ang isang pang-insulto na kailangan sa showbiz ng mahabang paliwanagan. Pero pinasimulan ng kapatid ni Ara, kaya malamang ay pagsisihan niya dahil sa katalasan ng kanyang dila.

Ang dapat lang naman sanang gawin ni Cristine ay manahimik siya at magpalamig sa sitwasyon habang obvious naman na napakaraming nagsisimpatiya kay Ara tungkol sa hidwaan na namamagitan sa kanila. Kinaiinisan man si Cristine, tanggap at pinagtitiisan na rin ng maraming tao sa showbiz na ganu’n talaga ang perso-nalidad ni Cristine, kaya hindi na siya dapat pang nagdadagdag ng iba pang gulo na puwedeng magpasakit ng kanyang ulo.

Dapat ding malaman ni Cristine na kung PR ang pag-uusapan ay magkaiba sila ni Ara. Libong beses talaga na kung pakikisama ang pag-uusapan, mas maraming tao ang pipiliin na si Ara ang pakisamahan, dahil maamo si Ara sa mga tao at hindi umaasta ng pagmamaldita. May karisma si Ara sa press, at hindi niya kinakailangang magbayad para siya isulat at purihin.

 

NAGING PARTE rin naman kasi si Rita Avila ng teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN, kaya ngayong humahataw sa rating ang nasabing drama series, patuloy pa ring napag-uusapan ang magaling na aktres. Ang nakalulungkot lang, ngayong pinatay na ang kanyang character sa nangungunang teleserye ngayon sa telebisyon, kung anu-anong tsismis at kasiraan naman ni Rita ang kumakalat sa showbiz.

Pinagbibintangan si Rita, na dahil sa pangyayari ilang taon na ang nakalilipas kung saan namatayan siya ng anak, na baka raw hindi pa rin nakalilimot hanggang ngayon. Kaya ang epekto raw ay nakawiwindang diumano ang mga ikinikilos dati sa taping ng teleserye nila nina Coco Martin, dahil kinakausap, pinadedede at nilalagyan ng diaper ang lagi niyang dalang dalawang manika. Parang hawig na raw du’n sa isang magaling ding aktres, na kinakausap ang mga halaman at damo sa kapaligiran sa tuwing mayroong taping.

Mabait na tao si Rita. Mapakisama ‘yan sa mga taga-showbiz. Napaka-unfair para sa kanya ng mga tsismis na ‘yan. Mayroon pa nga ngayong isang kumakalat na tsismis tungkol sa kanya: Diumano, si Rita Avila raw ‘yung babaeng tumatawag sa cellphone ni Richard Gomez sa kalaliman ng gabi na nangungumusta at nagu-goodnight. Noon kasing ipalalabas na ang Walang Hanggan, may naikuwento si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na mayroon nga raw siyang natarayan sa telepono, isang babae na hindi niya pinangalanan kung sino, na tumatawag daw kay Goma sa kahimbingan ng kanilang pagtulog.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

11 thoughts on “Cristine Reyes, pati press inaaway na rin!

  1. Putatsing yang babaeng yan. Dapat dyan hindi na binibigyan ng project. Sayang lang ang perang gagastusin dyan. Hindi kami nanood ng teleserye nya kahit pa gustong gusto namin sina Piolo ang Echo. Di namin maatim makita ang pagmumukha nya sa TV. Actually di lang kami kundi pati mga kakilala namin. Di na rin kami nanonood ng ASAP dahil nandon sya. Ang Todamax na paborito namin, di na namin pinapanood dahil nandon sya. Nakakasuka ang babaeng yan. Itapon nyo na lang yan sa ibang istasyon. Ang kakumpetensya nyang program sa GMA and pinapanood namin pag nasa palabas sya sa DOS. Ganyan katindi ang galit namin sa babaeng yan. Kaya tama na, buruhin nyo na lang yan, baka sakaling matutong magpakumbaba. Ingrata!!!!

  2. Dapat sinisibak na si CR sa DOS, ipamigay na lang sa ibang network. Mahirap mag-alaga ng basura, mahirap maglinis. Nagtataka ako kung bakit pilit pa rin nilang binubuhay ang career nyan, ipinapartner sa mga sikat na artista para mahatak pataas, kahit sukang suka na ang mga tao sa kanya. At excuse me lang ang ganda nya hindi naman natural. Major overhaul lang naman ang ginawa sa kanya. Yang hiram na ganda nya, mawawala din yan, at d naman sya masyadong kagandahan no. Maputi lang. Yung ilong ang haba. Tabingi ngumiti dahil kelangan talagang pilit ilabas ang mga dimples. Sa mga humahanga at nagsasabing marunong syang ipaglaban ang lalaking mahal nya, syempre naman, lalaki lang naman ang dahilan kung bakit sya nabubuhay. Ilang lalaki na ba ang nagsawa sa kanya at iniwan sya? Kaya makikipagpatayan yan pagdating sa lalaki. Dahil dyan umiikot ang mundo nya. Kesehodang masama ang trato nya sa sariling pamilya nya. Hindi dapat pinapanood ang ganyang klase ng tao. Malaking kahihiyan sya sa showbusiness, isang buhay na halimbawa na ang showbusiness ay puro lang laman at kamunduhan. Ipinagbubunyi ang kasamaan kagaya ng ugali ng babaeng yan. Dapat dyan sinusunog ng buhay. Nakakasuka!

  3. Dapat sinisibak na si CR sa DOS, ipamigay na lang sa ibang network. Mahirap mag-alaga ng basura, mahirap maglinis. Nagtataka ako kung bakit pilit pa rin nilang binubuhay ang career nyan, ipinapartner sa mga sikat na artista para mahatak pataas, kahit sukang suka na ang mga tao sa kanya. At excuse me lang ang ganda nya hindi naman natural. Major overhaul lang naman ang ginawa sa kanya. Yang hiram na ganda nya, mawawala din yan, at d naman sya masyadong kagandahan no. Maputi lang. Yung ilong ang haba. Tabingi ngumiti dahil kelangan talagang pilit ilabas ang mga dimples. Sa mga humahanga at nagsasabing marunong syang ipaglaban and lalaking mahal nya, syempre naman, lalaki lang naman ang dahilan kung bakit sya nabubuhay. Ilang lalaki na ba ang nagsawa sa kanya at iniwan sya? Kaya makikipagpatayan yan pagdating sa lalaki. Dahil dyan umiikot ang mundo nya. Kesehodang masama ang trato nya sa sariling pamilya nya. Hindi dapat pinapanood ang ganyang klase ng tao. Malaking kahihiyan sya sa showbusiness, isang buhay na halimbawa na ang showbusiness ay puro lang laman at kamunduhan. Ipinabubunyi ang kasamaan kagaya ng ugali ng babaeng yan. Dapat dyan sinusunog ng buhay. Nakakasuka!

  4. eTOH ETONG ETECH NA GURLALO NA TO! C CRISTINE KUBETA… JUZ KO HA,,NABASA K UNG TXT MGS NYA SA ATE NYA,,,SUS LANG PASALAMAT KA LNG CR KA,,KONG NAGING KAPATID KITA…BAKA D LANG DEMANDA GAGWIN KO SAYU,,,,,BUTI NA LNG MABAIT ANG BUNSO KONG KAPATID D KAGAYA MONG HINAYUPAK..
    ISAMA MO NA RIN ANG MONGOLIOD MO SI RAYVER ANG TANGA LANG NYA…HAY NAKU MY MGA LALAKI TALAGA NA MABABAW..ANG PHYSICAL NA ANYU ANG PINIPILI MISKE BULAK ANG PANG PAG UUGALI,,,EWWWW..SABAGAY BAGAY NAMAN CLA,,KC C RAYVER ISANGTAKSIL AT CHEATER DIN NMAN..SO TOTOO ANG KASABHAN BIRDS W/ DA SAME FEATHER FLOCK TOGETHER,, WAHAHAHAH

  5. Ay naku cristine Reyes sayang dapat Tinangay ka ng baha nung NASA bubong ka ng bahay mo na lubog sa baha. Kaya mo yan naranasan kasi masama ka palang  Tao. Di ka pa natuto naging masama ka pa lalo. Ano pa kayang delubyo ang kailangan mo maranasan para magbago ka?

  6. ANG MGA TAONG  WALANG UTANG NA LOOB GAYA NI  CRISTINE AY WALANG MARARATING HINDI NA SYA NAHIYA SA ATE NYA NA TUMULONG ,NAGPALAKI AT BUMUHAY AT NAGPAARAL SA KANYA,WALANG PERANG MAKAKATUMBAS SA PAGALAGA AT PAGMAMAHAL SA KANYA NG ATE NYA NG HINDI PA SYA ARTISTA! BASTOS KA CRISTINE DAPAT SA YO BOYCOTTIN !!!!!!

    • korek.. di na dpat binibigyan pa ng projects tong bwisit na babaeng to.. walng utang na loob. kahit ba naman..malakas ang kita niya ngayon.. di siya magiging cristine reyes kung di siya sinuportahan dati ng ate niya sa pinansyal.. KAWAWANG ara. sige lang ituloy mu lang kaso mu. ng matuto ang bwisit na yan.. eto naman si Rayver, nagpapakatanga pa, kawawa ka kapag naging magasawa kayo niya… ang hirap syo, kunwari kapa, katawan lang gusto mu kay cristine kaya kuno minmahal mu… alangan namang pati ugali niya? minamahal mu ngayon despite the fact na marami kang nakikitang masasamang ginagwa niya.. GUMISING KA rayver sayang ka… hindi lang puro SEX ang mahahanap mu sa isang babae, dapat yung magiging masaya ka at hindi magiging kumplikado ang buhay mu.. kapag si cristine nakatuluyan mu… baka ilang bwan lang or yirs lang after ng marriage niyo hiwalay na kayo kagd dahil makikilala mu ang kademonyohan niya. KUNG ATE NIYA nga kaya niyang bastusin, panu pa kaya ang in laws niya.. diba? yun na… esep esep

  7. totoo yung issue na nagpapadede ng manika ekek na yun. true yun,, bumabalik daw yung depression na nanyari k rita nung namatay yun anak… papasok na ang kapatid ni jane.. c black lily

    • Feeling ko si Black Lily siya si Jane Montenegro… Yan ang twist ng story… Di naman ipinakita ang bangkay ni Jane kaya malamang buhay sya at nagpa overhaul sya kaya naging Eula Valdez..

Leave a Reply

Your email address will not be published.