Cristine Reyes, nilalandi ulit si Rayver Cruz?!

Cristine-Reyes-Rayver-CruzNOW THAT she’s single again ay mukhang nilalandi ni Cristine Reyes ang ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Parang nagpapahiwatig kasi siya na gusto niyang makasama sa gimikan ang binata.

Inimbitahan pa nga ni Cristine si Rayver na samahan siya sa premiere night ng kanyang movie. Ewan lang kung magkakaroon ng time ang dancer-actor sa kanya.

“Hi excy @rayvercruz done taping #ggv #gandanggabivice for the promotion of my movie #WhenTheLoveIsGone on November 27th and invitation na rin sa premiere night sa NOV 26th 6PM sa glorietta and NOV 26th din sa SM Megamall 8PM naman,” tweet ni Cristine.

Does this mean na Cristine has not forgotten Rayver? O baka naman all she wants is his company.

 

NAKUNAN NG photo si Mariel Rodriguez na namumudmod ng pera habang nasa airport sa Cebu.

Ang mga nasalanta ng bagyong si Yolanda ang binigyan niya ng P500 each kaya naman ang daming pumila para maambunan ng tulong.

Kilalang generous ang asawa ni Mariel na si Robin Padilla kaya naman naisip naming nahawa ng kanyang generosity ang TV host.

Hindi ba’t last Christmas season ay tig-P10,000 na pakimkim ang ibinigay niya sa piling press?

Cristine-ReyesAnyway, hindi lang pera ang ipinamigay ng mag-asawa kundi maraming relief goods din ang kanilang ipinamahagi.

Talking about Mariel, mukhang magbabalik ang beauty niya sa Dos dahil ang balita namin, baka isama siya sa bagong season ng Pinoy Big Brother.

 

MUKHANG MATAKAW sa publicity itong si Cristina Gonzales.

Lately kasi ay panay ang painterbyu niya tungkol sa nangyaring sakuna sa kanilang bayan, sa Leyte.

Actually, marami nga ang naloka nang two days after Yolanda hit the province ay talagang lumipad na pa-Maynila si Cristina kasama ang kanyang pamilya at iniwan sa ere ang kanyang constituents.

Napanood namin ang walang wawang kiyaw-kiyaw ni Cristina sa show ni Kuya Germs last Sunday. Halatang she’s all for publicity lang.

Dismayadong-dismayado nga raw ang mga constituents ni Cristina sa ginawa niyang pang-iiwan sa ere sa mga nasalanta ng bagyo.

At bakit daw kailangang nitong magpunta pa sa Manila para magpa-presscon two days after the Yolanda tragedy.

Bakit nga ba, Cristina?

 

MUKHANG WALA naman palang basehan ang tsismis na one year ang suspension kay Korina Sanchez.

Kumalat sa social media na isang taon daw na hindi makikita si Koring sa TV Patrol bilang parusa sa kanyang pang-ookray kay CNN news anchor Anderson Cooper.

Wala naman talagang maniniwalang isang taon ang suspension sa kanya. To begin with, hindi naman niya inokray nang husto si Anderson. Hindi naman niya ito minaliit. All there was to her was a reaction to Anderson’s report.

Kaya pala nawawala ngayon si Korina sa TV Patrol ay meron daw itong taping para sa kanyang Rated K show na iba’t ibang provinces ang coverage.

 

EXCITED NA si Michael Pangilinan sa kanyang birthday concert entitled 18MPH sa November 26 sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.

His manager, Jobert Sucaldito, made sure na bongga ang birthday concert ng kanyang alaga  dahil sandamakmak na magagaling na performers ang makakasama ni Michael tulad nina Luke Mijares,  Jimmy Bondoc, Carlo Aquino, Miss Tres, Prima Diva Billy, Willy Jones, AJ Tamisa, Chazz at Gladys Guevarra.

Two years nang alaga ni Jobert si Michael and to cap his 18th birthday ay talagang nagpursige siya na bigyan ito ng malaking selebrasyon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

3 thoughts on “Cristine Reyes, nilalandi ulit si Rayver Cruz?!

  1. .. and shes inviting the people for the premiere night not rayver hahaha mali ang pag kaintindi mo kaloka ka ayusin mo nga trabaho mo

  2. yung tweet na yun ni cristine re-post lang nya yun tweet ni juliss babao na magkasama sila sa pic dalawa at sinabi nyang excy dahil magkamukha sila ni rayver at juluis yun lang yun.. grabe naman inimbita agad kaloka naman itong nagsusulat..

Leave a Reply

Your email address will not be published.