Cristine Reyes, nanahimik!

KUNG PANINIWALAAN O nakamamatay ang laksa-laksang paninira kay Cristine Reyes ngayon, malamang na isa NAng malamig na bangkay ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Walang awat na yata siyang “binubugbog” ng mga dati niyang kaibigan. Dumating pa sa puntong “they are putting a lot of words into her mouth” na hindi na magmumukhang totoo. Chain reaction ang nagaganap. Iisipin tuloy na may malaking puwersa talagang sumusubok tibagin ang isang pader na unti-unti nang nagiging hadlang sa tuluyang pagsikat ni Cristine.

Buti na lang at may isang mahinahong Jake Cuenca na hindi naniniwala sa kanilang ipinagkakalat. Ganu’n din ang isang Angelica Panganiban na piniling manahimik dahil ayaw niyang magkaroon ng ano mang negatibong reaction tungkol sa mga kapwa niyang maligaya sa piling ng isang  minamahal at tunay ring nagmamahal sa kanya. Ganyan talaga, eh. Kapag masaya ka, hindi mo na ie-entertain ang negative thoughts na makapagpapalungkot pa sa iyo. Pagmasdan n’yo ang mataray na taong walang habas kung magsalita ng mga ikakasakit ng damdamin ng kapwa. May mga problema sila sa buhay. May mga gahol na hindi maabot. Hindi naman kasi masasabing kung hihiga ka na sa pera o kung naabot mo na ang tugatog ng kasikatan, eh, masaya ka na. Karamihan sa mga ito ay “malungkot sa itaas.” They are lonely up there. Kasi, nag-iisa sila. Walang tunay na nagmamahal. Ang mga nasa paligid nila, hindi rin nila natitiyak na tunay na nagmamalasakit sa kanila, o sumasahod lang at nakikisawsaw sa kanilang tagumapay.

Naniniwala marahil si Cristine na kailangan na naman muna niyang manahimik. Nangyari na ito, kung inyong naalaala. Noong papasok pa lamang siya sa Kapamilya station, ang daming humarang sa kanya. Mga ambisyosang naghahangad na sana’y sila na ang naging Eva Fonda, at kasama nina Jericho Rosales at Carmen Soo sa Kahit Isang Saglit. At iyon nga, sa Banana Split noong hindi pa ito nagre-reformat. Noong hindi pa nagpapaalam si Cristine sa masayang show.

Kaliwa’t kanan din ang papuri sa kanya ng mga movie press, lalo na ng mga critics. Magaling siyang umarte. Kapatid nga siya ni Ara Mina na muntik nang mag-grand slam nang panalunan ang best actress award sa isang movie na sayang at hindi ko maalaala at the moment ang title.

Ang importante, may napatunayan na si Cristine. Ang mahalaga, may hahawi ulit sa humaharang sa kanyang tuluyang pagsikat. Paulit-ulit lang naman ‘yan. Sisirain, tapos, pupurihin. Ang maganda kay Cristine, nasa kanya pa rin ang mga taong nagtatanggol sa kanya noon at maging ngayon. Hindi ang mga ito ang nang-iiwan.

Isa pa nalalapit na naman ang paghuhukom. Sa gitna ng pananahimik ni Cristine, sasambulat na naman ang mga balitang tiyak na kakabog sa kanyang mga detractors. Ang mga pahayag ay manggagaling sa kanyang mother studio, ang Viva Films. Pruweba ang taas ng nalipad ng careers nina Anne Curtis at Sarah Geronimo. Maiiba pa ba si Cristine Reyes? She’s next in line, remember?

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

15 thoughts on “Cristine Reyes, nanahimik!

  1. Tahimik lang naman talaga si cristine wala syang sinasabi na masama regarding all the issues involving her. I like cristine shes beautiful, shes a versatile actress magaling sya sa comedy and drama shes indeed an actress !!

  2. shes beutifull but sometimes kc
    may pagkaisip bata ang mga reaksyon nya.
    pag-araln nya cgurong mging mhinahon at wag mging
    plasgot s mga intriga s knya.

    goodluck!!!

  3. its true naman na inggit at selos talaga si rr kay cristine sila nag umpisa ng gulo ni pokwang at rr umalis nalang si cristine para iwas gulo she was only misunderstood although shes a bit pasaway but shes mabait and loyal to her friends specially sa mga fans nya shes very greatful hindi nya nakakalimutan palage mag say thank you and regarding to her family they are in good terms naman ang mga reporters lang naman ang exagerated. Hope more more projects to come your way cristine youll have my support!

  4. maganda nga, masama naman ugali.
    no wonder, pati ate niya at mommy niya
    madalas niya nakaka away..

    mga nakaka trabaho niya pa kaya?
    kaya dont say anything against pokwang
    and RR.. kasi im sure na hindi naman nila
    kasalanan.. si Angel na mismo nagsabi
    sa The Buzz na si Cristine ang unang
    nagbigay ng meaning sa laging pag tambay
    niya sa Dressing Room nila RR..

    pinag bintangan pa ni Cristine na siniraan
    siya ni RR which is hindi naman talaga..

  5. Marami lang kasing naiinggit kay Cristine. Lalo na ngayon nag-#1 siya sa FHM. “Laro sa Baga” yata yung movie na muntik mag-grand slam si Ara.

  6. I Love Cristine.. shes is just a quiet type of person at hindi sya plastik kaya na misunderstood lang sya ng marami… all these negative issue against her i think is not true gusto lang nila siraan talaga si cristine thats all.

  7. Youre still be the promising Star in showbizz today Cristine youre beautiful, sexy with great talent magaling ka na actress no doubt about that ..just ignore them they are just jealous and insecure towards you dahil naging instant star ka kaagad.

  8. Right ! tigilan na nila si Cristine lalo na itong pokwang and RR her follower they are using Cristine for publicity… Pokwang should set a good example and not add fuel to the fire nawala na si Cristine sa BS dahil lang sa iyo youre not fun pokwang youre annoying!

  9. hai…ganyan talaga, ang daming negative comments about cristine , lalo na syang napasikat nyan…napakaganda kasi nya!..ang daming naiinggit..hope she don’t mind…baka maapektuhan pa ang kanyang pagiging “The Queen”

  10. gabrielle,,yah u right..napakaganda nga ni cristine..hope so and kanyang attitude ay kagaya sa kanyang mukha..iniidolo ko pa naman sya..she’s good artist…luv u ..

  11. gusto ko rin po si cristine reyes. talagang maiinsecure ang iba sa kanya kasi napakaganda niya, magaling sumayaw, sexy at magaling pang umarte. hindi alam ng mga naninira sa kanya na lalo lang nilang pinapapangit ang reputasyon nila sa kakasira kay cristine.

  12. Who is RR?, Sikat din ba talaga si Pokwang? May galit ba o jealousy na galing kay Mariel? Tigilan na ninyo si Christine.
    Mas maganda kasi siya sa inyong lahat.

    • Right ! tigilan na nila si Cristine lalo na itong pokwang and RR her follower they are using Cristine for publicity… Pokwang should set a good example and not add fuel to the fire nawala na si Cristine sa BS dahil lang sa iyo youre not fun pokwang youre annoying!

Leave a Reply

Your email address will not be published.