Cristine Reyes, nakipagbalikan na kay Dennis Trillo?!

Totoo nga kaya ang kuwento sa akin ng mga bading na nagkabalikan na raw sina Dennis Trillo at Cristine Reyes?

Nu’ng nakaraang birthday raw ni Cristine, nagpa-dinner ito sa mga close friends sa isang bar sa Taguig at marami ang nakakitang dumalo si Dennis at sweet na sweet daw ang dalawa.

Dagdag pa ngang kuwento sa akin, pagkatapos ng dinner ay sabay pa raw silang umalis. O, ‘di ba bongga?

Hindi ko naman naitatanong iyan kay Dennis kapag nagkikita kami sa Starstruck ‘pag Linggo dahil tahimik lang iyan sa isang tabi.

Pero na-korner ng Startalk si Cristine sa opening ng Posh Nails sa Ali Mall nu’ng kamakalawa ng hapon at iniwasan na niya itong sagutin. Ang sabi lang niya, friends sila ni Dennis kaya inimbita niya ito at dumalo naman ang aktor.

Wala raw malisya kung dumating si Dennis para batiin siya sa birthday nito dahil na-maintain naman daw nila ang kanilang friendship.

Tapos may drama pa sila nu’n na sinabihan daw ni Dennis si Cristine na huwag na siyang isali sa mga interview. Nakikita naman sila sa publiko, paano maiwasang pag-usapan sila?

Ewan ko lang, ha? Malakas ang kutob kung nagkabalikan sila, pero quiet lang sila siyempre para hindi na magulo.

Nu’ng kamakalawa naman ay birthday rin ng ex-girlfriend ni Dennis na si Carlene Aguilar at hindi naman yata ito naki-birthday sa alaga ko.

Kaya tingin ko, may something talaga iyang Cristine at Dennis na iyan. Magkaalaman din iyan isa sa mga araw na ito.

NALOKA RIN AKO nu’ng Linggo dahil akala ko, may magpapaalam na sa Starstruck para ma-announce na ang final 5 para sa finals ng Starstruck 5 sa February 21.

‘Yun pala, wala naman dahil nagkaroon na naman ng twist na kung saan io-open sa publiko ang pagboto ng kanilang final 5. Lima na ang ilalagay sa text vote nila kaya roon na iyan nakasalalay, at ang ilang porsiyento ng desisyon ay manggagaling sa aming mga council.

Dati nakakasa na kung sino ang type kong panalunin, pero pagkatapos kung narinig ang mga kuwento tungkol sa final 6 na ito, parang nagbago na.

May mga ilan kasing lumalaki na raw ang ulo, eh, wala pa naman silang napatutunayan at hindi pa nga natatapos ang Starstruck 5.

Nakakaloka sila, ha?! Ano pa kaya ang asal nila kung nanalo sila at sumikat. Kaya lagi ko ngang sinasabi, kapag nasa showbiz ka, hindi dapat talent lang o ganda ng mukha. Malaking bagay ang magandang pakikisama sa mga katrabaho mo dahil sila ang madalas mong makakasama.

May mga napapansin na akong nakakatakot sila ‘pag sumikat kaya ngayon pa lang dapat na tuwirin na sila.

Pinaghahandaan na ngayon ng mga staff ng Starstruck ang bonggang finals nito sa February 21 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Abangan n’yo iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Cristine Reyes, nakipagbalikan na kay Dennis Trillo?!

  1. diba laging active ang sex life ni dennis kahit wla syang gf? ibig sabihin nagalawa na nya si cristine?

Leave a Reply

Your email address will not be published.