Cristine Reyes, nakatulong pa sa teleseryeng “Tubig at Langis” ang negative issue nila ni Vivian Velez

Cristine Reyes, nakatulong pa sa teleseryeng "Tubig at Langis" ang negative issue nila ni Vivian VelezNegative man o positive, it is still a publicity. Ganito ang nangyari sa programang “Tubig at Langis” na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, at Isabelle Daza. Dahil kasi sa bangayan nina Cristine at Vivian Velez, lalong napag-usapan ang serye.

Lumikha ito ng ingay para maging curious ang televiewers sa bagong soap opera ng ABS-CBN tuwing hapon. ‘Yon nga lang, hindi naging maganda na nagbabatuhan ng pangit na akusasyon sa isa’t isa sina Cristine at Vivian Velez, huh!

Mabuti na nga lang at binasag na rin ni Cristine Reyes ang kanyang pananahimik at sinabi ang totoong side of the story. Ang medyo nagtataka lang kami ay kung bakit ganito ang style ni Vivian para sa graceful exit niya sa show.

Sa simula ng isyu, maraming nainis kay Cristine at nam-bash sa kanya. In fact, maging kami ay hinusgahan din agad siya. Pero nang makausap namin ang sister niyang si Ara Mina, nakiusap siyang huwag munang husgahan ang kapatid.

“Wala na bang karapatang magbago ‘yung tao? Ang laki na ng ipinagbago ni AA (palayaw ni Cristine) mula nu’ng nagkaroon siya ng pamilya at nagkaanak,” sey pa ni Ara.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleCiara Sotto, bumuwelta sa denial ni Valeen Montenegro
Next articleJames Reid at Nadine Lustre, kinakiligan ng fans ang palitan ng tweets para sa kanilang monthsary

No posts to display