Cristine Reyes, nakapantulog sa date kay John Lloyd Cruz



FOOT LUCK!: KUNG hindi  dumaan sa paningin ni Diether Ocampo ang magagandang paa ng babae’ng kanyang minamahal ngayon na si Rima Ostwani-malamang na na-miss na naman niya ang isang magandang bagay na mangyayari uli sa buhay niya!

Inimbita ni Diether ang ilang press people sa kanyang outreach program for his K.I.D.S. (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation sa Bulaon, Mexico, Pampanga. Dito nag-celebrate ng birthday si Diet kasama ang halos mahigit isang daang kabataang.

Pagkatapos ng kanyang feeding program, nakasalo naman ng press sa isang late lunch si Diet at sinabing  buti na nga lang daw at may foot fetish siya. Habang nagte-text siya, nakatawag ng pansin niya ang pagdaan ng magagandang mga paa ni Rima nang magkita sila sa isang event noong November last year. Kaya nang makita niya uli si Rima, hindi na niya pinigilan ang sarili para kilalanin ito.

Nilinaw ko kay Diet ang isyung gumagamit diumano siya ng steroids kaya kahit na ang ganda ng katawan nito kaka-gym, eh, inatake na lang nu’ng rehearsal niya sa Star Magic show nila sa Amerika.

“That’s not true! Hindi ako gumagamit niyan dahil matagal na akong naggi-gym at alam ko ang kailangan ng katawan ko. And besides, I took up Physical Therapy noon kaya pinag-aralan ko naman ang physical and physiological functions nito. Lilinawin ko rin po na wala akong sakit sa puso. Sabi nga ng doktor na tumingin sa akin doon sa US, pati na rito, malakas pa ako kesa kalabaw. Pero ‘yun nga, gaya sa isang makina, kapag sobra na sa gamit ay nagwe-wear out din. Dahil sa sobrang pagod at stress,‘yun po ang nangyari sa akin kaya ako nag-collapse du’n.” esplika ni Diet.

THE OWL AND THE PUSSYCAT!: PERSONAL naming nakilala ang isang tao’ng nagtatrabaho sa kontrobersyal ngayong Countryside Bar and Restaurant sa may Katipunan. Itago natin siya sa pangalang Anwar (pero hindi raw siya kamag-anak ni Sadat).

Ipinakita nito sa amin ang mga pics niya na kasama ang nagsasabing doon-lang sila-nagkita-sa-lugar-na-‘yon na sina John Lloyd Cruz at Cristine Reyes. Hindi magkasama sa pictures ang dalawa nang magpakuha. Kaibigan daw ni JL ang owner ng Countryside.

Hindi nga raw totoo ang nai-report na naghahalikan ang dalawa. Sweet-sweet-an lang daw na may hug-hug. Mali rin daw ang info na tatlo lang ang tao sa bar.  Ang tama, 3 or 4 groups of customers ang nasa bar during the time that they were there. Imposible raw ang sinabi ni Cristine na wala namang kumakain sa nasabing bar kasi malapit ito sa school. Pero sa ganoong time nga raw na madaling-araw, wala talagang kakain du’n dahil nang dumating daw doon ang dalawa kasama ang mga grupo nila, past midnight na ng July 15. Sabay raw umuwi ang dalawa around 2 a.m. Lasing na raw si JL pero sober naman si Cristine.

Ang punto lang ng aming kausap, sabay na dumating sina JL at Cristine, sweet-sweet-an sila at sabay umuwi. So, huwag daw sabihin ni Cristine na coincidence lang na nagkita sila dun ni JL, but du’n sila nag-date.

‘Eto pa, para nga lang daw nakapantulog lang ang Cristine nang dumating doon.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

16 thoughts on “Cristine Reyes, nakapantulog sa date kay John Lloyd Cruz

  1. TALAGA PA LANG VERY SIMPLE SI CRISTINE PEWO
    NDE SILA BAGAY NI JL EH_____________
    FYI NOTHING IS A COINCIDENCE DI BA?
    NA VERIFY NIU BA MGA INFO. NIU?

  2. Pingback:   Is Cristine Reyes dating John Lloyd Cruz? / Cristine Reyes - Fan Blog With Pictures And Videos

  3. Type ko rin si jlc and cristine mabait at pasaway magsama ayos yun both hot and desirable bagay may chemistry sila.

  4. isa pang bayaran ng ABS.. naku , wag na PILAR MATEO!
    ipa ayos mo na lng ilong mo!

    pareho na nilang kinlaro na hindi sila magkasama noh!
    at sabi na ni Cristine na friend nya si Liz Uy na ex gf ni JLC, kaya di daw nya kaya gawin yun.. Baka daw issue lng ito para ma divert ang issue ni RUffa at JLC.. yuck kadiri!

    Laos ka na JLC .. para syang wasted ngayon!

  5. Maski ano pang intriga ang inyong gawín, hindi nyó matutungkab si Lloydie kay Ruffie! Iba ang kamandag ni Ruffie! Kita nyó ang laki ng kanyang nguso? Kaya nyó yón?! :P :wink: :lol:

  6. iba iba ang kuwento. whatever, gusto ko pa rin si Cristine. in fairness, bagay sla ni JLC! also parehong single ang 2, so why not?

  7. sana nga sila Cristine and JCL na lang! they will make a lovely couple! keysa naman kay Ruffa! aruyyyyyy!

  8. saan mo ba nakuha ang source mo dayyy kasi sa isang column nabasa ko naka pambahay lang tapos yong sa iyo naka pantulog na grabe ka talaga exagerated hahaha

  9. Also, beso beso, is normal between friends pag nagkikita. Dito sa states, pwede mo rin haluan nang konting kiss sa pisngi. Walang malice, Pilar Mateo.

  10. “Imposible raw ang sinabi ni Cristine na wala namang kumakain sa nasabing bar kasi malapit ito sa school” walang sinabi si cristine na ganito sabi nya kumain sya duon kasama barkada yun ang sabi sa PEP bakit iba naman ang version mo dito hayyyy mali mali ang source mo iha huwag ka naman mag fantasy this is a past issue binubuhay mo pa sa kasinungalingan at imposible na walang pics na nakuha lahat ng tao ngayon may handy camera na-

  11. Ogurat, I am your worst nightmare. Alyas lagkitamod raw, halatang halata naman. Parazzi moderators, watch out for this worm.

Leave a Reply

Your email address will not be published.