Cristine Reyes meets with GMA 7 to negotiate

KAHAPON PALA, NAG-MITING na ang Viva Artists Agency na nagma-manage kay Cristine Reyes at ang mga taga-GMA 7 at mukhang babalik na nga ang young actress sa dating mother studio.

Hindi pa tiyak kung nagkaayos na talaga sila, pero desisyon daw mismo ito ni Cristine. Hindi na ba siya happy sa Kapamilya network?

Hindi na nagti-taping si Cristine sa Banana Split at katatapos lang nito sa Precious Hearts Romance.

Tingin ko naman nagkasundo na sila sa GMA 7, dahil may naririnig na akong programang gagawin niya. Kung matutuloy ito, tiyak na pag-uusapan ang gagawin niya sa GMA 7, dahil kontrobersyal ang makakasama niya.

Siyempre, hindi ko naman puwedeng ikuwento at baka maudlot pa at hindi pa puwedeng sabihin dahil isa ito sa mga sorpresa nila sa bagong project na ito ng GMA 7. Abangan n’yo na lang!

AKO NA RAW ang susunod na sisiraan ng kampo ni Hayden Kho. Iyon ang nakarating sa akin, pero ayoko na lang pansinin. Ano naman kaya ang isisira nila sa akin?

Kaya malakas ang loob kong magsalita tungkol sa kanila, lalo na kay Hayden at sa nanay niya dahil ‘yun ang totoo, ‘no?!

Itong nanay ni Hayden, may ginagamit pang krus at bibliya, nagsisinungaling naman at naninira pa ng kapwa. May nagkuwento pa sa akin, isang taga-GMA 7 daw ang nakakita kay Hayden na may kasamang dalawang matanda na nanood ng sine sa Rockwell nu’ng nakaraang Linggo. Pero ang drama nila, nasa retreat daw ito sa Laguna kasama ang nanay niya, tapos nasa Rockwell lang pala?

Kung totoo man ‘yun, mabuti pa siya nakapaglilibot pa. Samantalang si Katrina, nakalalabas lang ng bahay kung merong kailangang harapin kaugnay sa kasong isinampa niya.

Mabuti na lang at marami pa rin naman ang nagtitiwala kay Katrina dahil bukod sa ilang endorsement niyang hindi naman bumitaw sa kanya, meron pang ibang produktong balak siyang kuning endorser. Hindi lang muna ini-entertain ngayon ng manager niyang si Rommel Gacho dahil depende pa rin daw sa payo ng abugado niya.

Mabuti’t hindi naman iniiwan si Katrina ng pamilya at mga kaibigan niya kaya lalo namang lumalakas ang loob nito.

Kuwento nga ni Cristine Reyes, nagkausap daw sila ni Katrina nu’ng nakaraang linggo at mukhang okey naman daw ito. Nagpahayag nga ito ng suporta sa kaibigan niya at naniniwala raw siyang malalagpasan ito ni Katrina.

Naiirita lang si Cristine dahil ang ilang mga katrabaho nito ay parang nandidiri raw sa ginawa ni Katrina. As if naman pagkalinis-linis nila, eh, hindi naman. Kaya umiiwas na lang daw si Cristine para hindi na niya marinig ang mga sinasabi nila laban sa kaibigan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

14 thoughts on “Cristine Reyes meets with GMA 7 to negotiate

  1. Hay naku ganyan talaga ang buhay kailangan ng 7 ng bagong artista eh malapit na nilang tablahin si marianne dahil nagsawa na mga tao sa kanya. Next naman itong is ate christine. Magipon ka ate at sandali na lang career mo dyan…

  2. si angelica sama talaga yan ugali at plastic kaibigan daw sila ni cristine tapos bakit ganun sya sila ang walang pakisama dagdagan pa ni pokwang na kung anong pangit ng mukha kasing pangit din pala ng ugali nya ….Pokwang ikaw ang pinakamatanda sa group dapat you should set a good example and not add fuel to the fire and rr sino sya follower of pokwang?

  3. tama lang yan christine kasi konti lang talaga magaganda sa abs, galing pa sa gma yung mga magaganda, kaya pala namimirata ng talents ang abs

    • me too i like Cristine no matter what GMA man or ABS …she has beauty and talent she makes me inspired enjoy watching her

  4. mygod. wala man lang syang in return sa ABS CBN. e sila naman talaga ang MAS nagpasikat kay cristine. ang labas tuloy neto, mang gagamit sya. i really liked her but i think she is really a SPOILED BRAT, BAD GIRL like her ate ARA is showing.

  5. crazy tlaga itong si christine..sino namn ang nandiri si rr si angelica si pokwang si pooh at parekoys..duh..think..aalis karin lang maninira kapa

  6. I’m sure si Dennes Trillo lang ang binalikan niya sa siete kasi walang boylet sa dos puro bading girl zzz HE HE HE…

  7. ay sayang ka cristine, galing mo pa nman na sa abs, di bale baka ngayon narealize na ng 7 na mas magling ka keysa don sa mga mas pinipilit nilang pasikatin! Goodluck! I still like you!

  8. sarap sabunutan ng babaeng ito.dyan ka na sa GMA BULOK, gusto mo lang maka score ulit kay Denial TRILLO.

  9. Pleeaseee christine! Kaya yan aalis kase ang chaka ng mga demands nya na obviously hindi nasunod sa Dos. Gusto ba naman ng loka-lokang to na parating bida at primetime bida ang magiging teleserye nya. Ang daming mas deserving na home grown talent sa Dos loka ka! chupi bumalik ka na sa syete!

Leave a Reply

Your email address will not be published.