CRISTINE REYES, MARAMING PINAGDUDUDAHAN SA SHOWBIZ?

IPINAGTANGGOL NI ARA Mina si Cristine Reyes dahil sa lalong lumaki itong isyu ng kapatid kay Sarah Geronimo at Rayver Cruz nang lumabas ang interview ng Pop Princess sa YES Magazine.

Nandoon si Cristine sa launching ng bagong ne-gosyo ni Ara. Sabi pa ng sexy actress, wala naman daw malinis na tao lalo na sa showbiz. Huwag naman daw sanang husgahan ang ka-patid niya dahil lahat naman daw ay nagkakasala. Sana raw ay tigilan na si Cristine sa mga paninira dahil wala naman daw itong tinatapakan o inaagrabyadong tao.

Sabi naman ni Cristine, dito raw sa showbiz ay dapat huwag basta magtitiwala.

Ang dami nilang sinabi, pero hindi naman nila tinumbok ang totoong isyu. Naagrabyado ba si Sarah o hindi? Ano ba ang ginawa sa kanya ni Sarah, bakit umabot sa ganoong gulo?

Bakit pati sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos ay ipinagtanggol si Sarah? Pinatulan pa nga ni Cristine si Sharon.

Naiintindihan ko naman si Ara kung bakit niya ipinagtatanggol ang kapatid. Siyempre, kapatid nga niya ‘yon. Kahit na nag-away-away din sila noon, kapatid pa rin niya ‘yon at kailangan niya itong ipagtanggol.

Pero gusto kong mag-react sa sinabi ni Cristine na dito raw sa showbiz ay dapat huwag basta-basta magtitiwala.

Aba! Wala pala siyang tiwala sa mga nakakasama at nakakatrabaho niya sa showbiz, eh bakit nandito pa siya? Kahit wala ka naman sa showbiz, marami pa ring mga taong hindi dapat pagtiwalaan. Ang laki ng kinikita niya sa showbiz, magsasalita siya ng ganoon?

Di tumigil na siya sa showbiz kung ang dami niyang pinagdududahan, ‘no!

CONGRATULATIONS SA ALAGA kong si Paolo Contis dahil meron na siyang pa-ngalawang baby! Bongga, ‘di ba?

Eksaktong isang taon pa lang ang panganay nila ni Lian Paz na si Xonia Aitana, may kapatid na agad na pinangalanan nilang Xalene Abriana. Iniluwal ni Lian ang kanilang  pangalawang baby na isa ring girl nung Lunes, 9:46 ng umaga via caesarean section.

Bongga pa, dahil ka-birthday din nito ang pa-nganay nilang anak na si Xonia. Pagtuntong talaga ni Xonia ng unang taon, may kapatid na agad siya.

Naku! Sinabihan ko na nga si Paolo na tama na muna ‘yan dahil ang dami pa niyang dapat ayusin, ‘no! Dapat ay tapusin na niya ang ipinatayo niyang bahay at dapat magpakasal na sila ni Lian.

Sabi naman ni Paolo na magpapa-kasal sila ni Lian, pero kapag naglalakad na raw ang dalawang anak nila dahil magiging flower girls daw ang mga ito.

Anyway, naayos na yata ni Paolo ang listahan ng mga ninong at ninang ng pangalawa nilang baby. Alam ko, kasama roon sina Marian Rivera, John Lloyd Cruz, at ilan pa nilang malalapit na kaibigan sa showbiz.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “CRISTINE REYES, MARAMING PINAGDUDUDAHAN SA SHOWBIZ?

    • baliw lng tlg si cristine reyes, masyado kasing palengkera yan, nakakainis ugali nya.. akala mo nmn napakaganda, halos puro retoke lng nmn ang ganda nyn!….ewness….akala mo nmn napakaganda, HELLO!!! HINDI lng ikaw ang maganda sa SHOWBIZ, matauhan ka! Feelingera ka masyado. Ang dami mo sinabi sa Twitter na wala nmn basehan sa tingin mo ganoon ganoon lng un, sa ginawa mong yan, mas marami nagalit sayo, kasi masama ugali mo talaga. SABI MO PA MO " MOVE ON"… eh, ikaw nga, di ka maka MOVE ON DATI kay DENIS eh! kapal mo, hindi ka ngpapakatotoo, masama lng talaga ugali mo. dapat model ka sa masa, pero sa pinapakita mo, di maganda lalo na sa mga bata. dapat hindi na tangkilikin ang mga show mo, kung ano man yan… dahil masama ugali mo. ikaw ng-umpisa, di pagbutihan mo nlng, tignan natin… pupulutin ka sa kangkungan yang career mo… feeling mo sikat ka(BIG STAR), excuse me, sikat ka lng dahil sa masama mo ugali! sa inyong mga sumusuporta kay kristine reyes, magising na din kayo… kung kayo may karapatan n magsalita, mas lalo na ako… kaya wag kayo kumuntra OK?!!!

  1. Basta ako, nawalan na talaga ng gana kay Cristine. Sabi niya magmove on na c sarah, para bang di niya alam kung paano niya inaaway away ang mga girls na nalink kay Dennis kahit break na cla. Sumosobra na ito sa kanyang pagiging totoo kuno!!!Ewan, nasayangan talaga ako sa kanya. Di naman ako maniniwala na ang mga mabubuting aktres na kagaya ni mega at young superstar ay hindi nakakaintindi kay Sarah kaya pinili nitong suportahan ito. Mas lalo kung susuportahan c sarah kung ganon.

  2. Pingback: CRISTINE REYES, MARAMING PINAGDUDUDAHAN SA SHOWBIZ? | Cristine Reyes CRISTINE REYES, MARAMING PINAGDUDUDAHAN SA SHOWBIZ? | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

Leave a Reply

Your email address will not be published.