Cristine Reyes, malabo pang maging Kapuso!

KAILAN LANG PINAG-UUSAPAN na ang posibleng pagbabalik ni Cristine Reyes sa GMA 7. Gustung-gusto na raw nitong maging Kapuso muli pero mukhang hindi pa yata tiyak na tiyak ang paglipat nito.

Nu’ng nakaraang linggo lang, pinag-uusapan na kung ano ang gagawin nito sa GMA 7, pero ngayon mukhang hindi na tuloy. Nu’ng una, siya raw ang gaganap na Valentina sa Darna ni Marian Rivera, pero ngayon hindi na dahil kay Katrina Halili na raw ito mapupunta.

Ang sumunod naman, sa Rosalinda na raw at dapat kasama nga diyan ang alaga kong si Carlene Aguilar pero hindi naman natuloy. Ang latest ngayon na narinig ko mukhang malabo na raw ang paglipat nito dahil nagpadala raw ng sulat ang ABS-CBN 2 na sila pa rin ang may first option na mag-renew ng kontrata ni Cristine. Hindi lang natin alam kung iri-renew ng ABS-CBN 2 si Cristine.

Hindi na bumalik sa Banana Split si Cristine at mukhang hindi na ito babalik doon dahil aminado naman itong hindi siya kumportable sa ibang kasamahan niya sa gag show na ‘yun.

Ang isa pang ikina-offend ni Cristine ay nu’ng nagbiro ang mga kasamahan niya sa Banana Split ng tungkol sa sex video. Siyempre ang bestfriend niyang si Katrina ang involved kaya hindi ito natuwa. Kaya nagpaalam na raw ito kay Direk Bobot Mortiz na hindi na siya sisipot sa susunod na taping.

Tingnan na lang natin kung matutuloy na nga ba ang paglipat ni Cristine. Kasi kung sa Kapamilya pa rin siya, magkakaroon pa kaya siya ng projects du’n pagkatapos ng mga pangyayaring ito?

PAGKATAPOS MAGDEKALARA NI DILG Sec. Ronnie Puno na tatakbo siyang Vice President sa darating na eleksiyon, humarap na ito sa movie press at nataranta raw siya dahil ngayon lang daw siya naurirat nang husto sa mga tanong ng movie press.

Hindi tinantanan si Sec. Puno ng isyu tungkol kay Gretchen Baretto at ng kapatid niyang si Dodie Puno. Maayos naman ang sagot nitong hindi siya nakikialam sa personal na isyu ng mga kapatid niya lalo na’t hindi naman niya ito kinakalkal.

Sabi naman kasi ni Gretchen na ipinakilala raw siya ni Dodie sa pamilya nito pero hindi na ito sinagot ni Sec. Puno.

Hindi nga naman niya isyu ‘yun kaya bakit naman siya ang sasagot. Basta kung saan daw masaya ang kapatid niya, doon ang suporta niya. Ang isa pang dahilan, magkaibigan daw sila ni Tonyboy Cojuangco kaya wala siya sa lugar na magkomento sa isyu nina Gretchen at ng kapatid niya.

In fairness naman, na-impress ang mga movie press kay Sec. Puno dahil sa malinaw ang mga sagot nito lalo na sa isyung pagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan at kabataan dahil sa pinag-uusapan pa ring sex video ni Hayden Kho at Katrina Halili.

Sabi nga ni Sec. Puno, dapat na dumulog din si Katrina sa tanggapan ng Women and Children Protection Center ng PNP sa may Camp Crame para lalo itong mabigyan ng proteksiyon sa mga kasong isinampa laban kina Hayden.

Mas mababantayan daw siya roon nang mabuti lalo na’t mga babae ang humahawak nito at mabibigyan ng tamang atensiyon kung paano niya malalagpasan ang trauma na pinagdaanan niya sanhi ng eskandalong ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Cristine Reyes, malabo pang maging Kapuso!

  1. I’m sure si Dennis Trillo lang habol niya sa siete, alam naman cguro ni Cristine Reyes na di cya makakalipat from ABS-CBN to GMA 7 dahil may option to renew ang contract niya by 2 years… Pag tyagaan mo na lang ang hininga ni Jake Cuenca…

  2. i like cristine reyes. really talented. i agree na may magic talaga siya sa publiko kasi napaka-flawless niya, magaling sumayaw at umarte.

  3. Hindi b mkpag antay t0ng c cristine n bigyan sya ulet ng project ng ABS-CBN? Napanuod ko sya s Eva Fonda, Banana Split, May Bukas pa, Bud brothers (Best episode so far), pati sa ASAP. At npkaganda nya kya ko sya binub0to s FHM. Bka pag palipat lipat k magaya k ky Angelica Panganiban, o kaya Jolina Magdangal. Sikat pero nawawala na ang magic s publiko.

    • Inamin na nga ni Cristine na mas nakilala sya, yumaman at sumikat dahil s dos. Di ka ata nagbAbAsa ng news. Puro ka sPeculations. Tsaka ano pinambayad ng ABS s ratings? Corned beEf? Sosyal, di gaya ng sardinas. Haha

  4. dun na lang sya sa RPN 9 or IBC 13……siya pa ang reyna dun……..kakaloka lang wherever she goes she’s never happy…….batang-isip pa kasi or sadyang may attitude problem lang or baka tipong paranoid….feelng pinagka-isahan sya…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.