Cristine Reyes: Mailap si Mr. Right

CRISTINE REYES SIZZLES once again in the small screen with her newest primetime teleserye na Precious Hearts Romances Presents Martha Cecilia’s Kristine. The series is about two couples from rival families, the Fortalejos and the De Silvas, who unexpectedly fall in love with each other.

Mula sa direksyon ni Rory Quintos, Kristine is the first Precious Hearts Romances series that is being aired at primetime.

In the series, Cristine plays Jewel Fortalejo, the younger of two sisters but the one holding off her elder sister from doing any mischief. Her character will fall in-love with Jaime Reyes (Zanjoe Marudo), ang lalaking gagawin ang lahat para maprotektahan ang mga De Silvas na mortal na kaaway ng pamilya Fortalejos.

Also starring are Denise Laurel and Rafael Rosell na mukhang patok ang tambalan after starring together on Midnight Phantom.

May pagkakahawig ba si Jewel, ang role ni Cristine sa series, sa kanya sa totoong buhay lalo na sa usaping pag-ibig? What if dumating siya sa puntong kailangan niyang mamili between her family and love? Ano ang kanyang pipiliin?

Cristine told Abs-cbn.com: “Ika nga sa tagline ng Kristine: ‘Ano ba ang mas matimbang, ang lukso ng dugo o ang pintig ng puso?’ Kasi sa totoong buhay naman ‘di ba lahat tayo dumaraan sa ganu’n? Kapag dumating ‘yung pag-ibig mo, hindi mo alam kung sasama ka na ba du’n or pipiliin mo pa rin ba ‘yung responsibility mo sa family mo? So feeling ko, ganu’n. Kasi one time, dumating na rin ako sa ganu’n,” pag-amin ni Cristine.

Hindi kaila sa publiko that there were hits and misses in Cristine’s lovelife at na-link din siya sa ibang guys. Pero I’m sure darating ang tamang lalaki na nakalaan para sa kanya basta’t maghintay lang siya. Tutal bata pa naman siya and she has all the time to enjoy and love life.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

6 thoughts on “Cristine Reyes: Mailap si Mr. Right

  1. nako e di nagtutugma ang hitsura ni cristine sa character ni jewel fortalejo sa kristine series. kasi si jewel fortalejo e morena, mahaba ang buhok at parang modelo. kay layo ata ng hitsura sa ipinoportray nya. nawa e maganda ang kalabasan kasi maganda ang kristine series ni martha cecilia.

Leave a Reply

Your email address will not be published.