Cristine Reyes left ABS-CBN because of Angelica Panganiban and RR Enriquez

SI POKWANG ANG inaasahan ng mga televiewers na magtutulay para sa pagkakasundo ng mga nakababata niyang “kapatid” sa Banana Split. Pero, sa tanda niyang iyon, mukhang siya pa ang nagpalala sa gusot na namamagitan ngayon kina Angelica Panganiban, RR Enriquez at Cristine Reyes.

“Kitang-kita po ang ebidensya nang nagsalita si Pokwang sa SNN. Hindi po totoong inalok niya si Cristine ng dala niyang pagkain, hindi niya niyaya si Cristine to join them. Sa umpisa pa lang, sila na talaga lagi nina Angel at RR,”pagtatapat ng isang malapit kay Cristine na naiyak sa sobrang galit kay Pokwang.

“Noong hindi pa nagre-reformat ang show at wala pa sa cast si Pokwang, okey naman po sila. Lagi pa nga po silang nakikitang magkakasama sa Grams (resto o Cibo saksi ang Bullchit). Masaya po sila at madalas mag-chikahan. Hindi ko po naman sinasabing si Pokwang ang may kasalanan. Ang inaasahan namin, eh, siya sana itong magta-try kahit paano na huwag nang lumaki ang gusot, dahil nga lubhang nakatatanda siya. Pero iyon, nakita ng televiewers ang katarayan niya at kawalan ng malasakit na magkasundo-sundo sila.

“Kung hindi nakiki-join si Cristine sa topic nila kay Katrina Halili, maliwanag naman po ang dahilan. Kaibigan niya si Katrina at naawa siya rito, nakikisimpatiya.

“Sa totoo lang po, ang tagal nang ini-interview si Cristine tungkol sa mga blind items, pero tumatanggi siya. Pinagtakpan sila ni Cristine dahil umaasa itong maayos pa nila ang gusot.

“Hindi po totoong hindi nag-effort si Cristine na makisama sa kanila. Dati, nagpupunta pa si Cristine sa dressing room ni RR. Noon pa, nabanggit na ni Cristine kay RR ang plano niyang paglipat sa kabila. Kaya, nagtaka rin po kami nang itanggi  ito ni RR. Napaka-plastic po niya.

“Kung hindi po close si Cristine kay Angel noon, bakit nagkasundo pa silang sabay kumuha ng culinary arts. Ngayon, parang ang saya-saya pa nila sakaling matuloy ang pag-alis ni Cristine.

“Wala pong alok si Cristine sa kabila. Siya po mismo ang tumawag sa isang kaibigan niya roon, para malaman kung puwede pa siyang bumalik. Okey rin sa kanya kahit anong role ang ibigay, basta makaalis lang siya sa show. Kahit nga raw maging kontrabida siya ni Carla Abellena sa Rosalinda, ayos na sa kanya. Ganu’n po katindi ang sama ng loob niya.

“Nagpaalam naman po siya kay Direk Edgar Mortiz. Nag-try naman po itong pagkasunduin sila. Pati sa P.M. nila at staff, nagsabi rin siya. Ginawa niya ang dapat gawin. Inihanda na rin po niya ang sarili sa posibleng mangyari.

“Totoong tao po siya. Ano naman po ang laban niya sa tatlo, samantalang siya ay nag-iisa? Hindi po ba sa tono ng mga interviews nila sa SNN, eh, wala silang pakialam kung aalis si Cristine? Iyon po, umiiwas lang po siya sa gulo.

Hindi madaling gawin ang iniisip ni Cristine, pero, handa siyang makipasapalaran uli. Aware siya na may manager siya at ito ang mas nakaaalam at nakapagdedesisyon para sa kanya.

Actually, nagtataka rin siya kung bakit may nasusulat na pati manager niya, hindi niya nakakausap tungkol sa mga pangyayari. Open po ang communication nila, siyempre. Tahimik lang ito. Sa kanya po manggagaling at sa Viva Films kung ano ang mangyayari kay Cristine at sa kanyang career in the next few days.

Hindi na nga po alam ni Cristine kung ano pa po ang nababalita tungkol sa kanya ngayon. Pinagpapahinga siya ng dentista niya, apat na molars ang binuksan at tinahi sa kanya. Magang-maga po ang mga pisngi at mukha niya. Iyon din po ang advice namin sa kanya. Ipinauubaya na niya kay Tita Veronique niya at sa Viva Films ang desisyon.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

15 thoughts on “Cristine Reyes left ABS-CBN because of Angelica Panganiban and RR Enriquez

  1. ang dami namang pasakalye nitong si cristine…lumipat na kung gustong lumipat….sige na……….gusto lang magpataas ng presyo nyan….baka gustong habulin pa siya ng abs…katulad ng ginawa dati ng gma….duon na lang siya….

  2. Bakit kasi di nalang lumipat kung lilipat?! mukhang hugas kamay nanaman ang GMA at lagi nalang sinasabi na walang offer sa kanya pero meron na kagad show na nag aantay? WTF!!! tama na ang pointing of finger.. lumipat na kung lilipat!!! kaya please lang GO!!

  3. angel pa naman ang pangalan….

    ‘to namang si rr…feelingera….

    at itong si pokwang…may pagmamaganda pang nalalaman…

    si roxanne siguro ang tinaray-tarayan ng angel at rr na yan…

  4. ang galing galing ni cristine sa banana split. sa totoo lang, maskomedyante pa siya kaysa kay pokwang.

    mabait naman talaga si cristine reyes and hindi siya plastic. its their loss.

    ito namang si pokwang ,have some humility. galing ka rin sa wala, dapat magwelcome ka ng mga tao.

  5. Si Dennis Trillo lang naman ang habol niya sa siete kaya kahit supporting role ay papatulan niya. patunay lang iyan na walang boylet sa dos puro bading girl zzz…

  6. Bahala ka Pokwang! Super nakakahiya yung mga pinaggagagawa mo. Akala mo naman kung sinong sosyal. Lamunin mo pagkain mo! Wala ng ratings ang Banana Split! Punyeta! Si Cristine dahilan kung bakit mulat pa mga mata ko sa Gabi ng Sabado! Since she’s gone, There’s a reason why i should sleep early naa.

  7. Pokwang is no longer funny. Banana Split ratings are very low since they took Valerie and Roxanne out of the show. Now, Christine is gone. Wala nang mga sexy na lagi naming pinapanood. Masayang panoorin noon, mga sexy na komedyante. Nakakatawa na, masarap pa sa mata. Ngayon, ang naiwan ay si POKWANG. Aray ko po.

  8. i am pro wowowee bat i have a problem talaga kay pokwang…lagi sya sigaw ng sigaw sa mga contestant sa hephep hurray at sa pasalog..sana baguhin na nya attitude nya..i have nothing against rr and angelica

  9. all i can say mabait si Cristine dahil sya nalang ang kusang aalis para maka iwas sa gulo ang tagal na ng Banana split at masaya naman sila dati pero mula nang pumasok itong pokwang nagkakagulo na sila sutsut talagang itong matanda na ´to at ito naman lasenga na si angelica porke lusyang na kaya sobrang insecure sa beauty ni cristine dahil naunang binigyan ng lead role si cristine kaysa kanya.

  10. Pokwang, nakatatanda? The truth is, Pokwang, ubod nang tanda para umarte nang ganito. Medyo nakakasuya na ang mga arte niya sa Wowowee. She needs to grow up. i like Ai Ai better.

  11. mukhang may attitude problem si Eva Fonda.
    Even nung nasa Siyete pa siya eh naka-away nya si katrina Halili…
    Tapos nagka-isyu din ng pagka unprofessional nya.
    When she transferred to ABS, nag-release ang Artists Center ng statement ng something to the effect of “there are more talented and professional artists of GMA which will be given more projects”

  12. masama nmn tlga ugali ni angelica PANGANIBAN!!! proven un madami hate sa kanya sa ST.Vincent ung skul nmen nung hs..mayabang tlga xa..malaki ulo kc artista..

Leave a Reply

Your email address will not be published.