Cristine Reyes, lahat gagawin mapasaya lang si Dennis Trillo!

KAHIT NGAYON lang umamin sina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola sa tunay nilang relasyon, pinatunayan nila sa publiko na tunay silang nagmamahalan. Minabuti nilang huwag nang itago sa mga fans para maging maganda ang takbo ng kanilang relationship. Minsan na naming naisulat na totoong may malalim silang pagkakaunawaan na sila lamang ang nakakaalam habang ginagawa nila ang teleseryeng Paraiso. Dito na-develop in to something beautiful ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Katunayan nga, para patunayan ni Matteo kay Jessy seryoso siya, isinama nito ang dalaga last Holy week sa Cebu para pormal na ipakilala sa kanyang mga magulang. Naging maganda naman daw ang pagtanggap ng mga ito sa dalaga.

Giliw na giliw nga raw ang parents ni Matteo kay Jessy na lalong ikinatuwa ng dalaga, ayon sa malapit na kaibigan ng binata. Ipinasyal sa magagandang lugar sa Cebu at pagkatapos dumiretso sila sa simbahan para taimtim na manalangin. Ang dalangin namin, sana’y maging matatag sina Matteo at Jessy sa anumang intrigang kanilang haharapin.

 

AKALA NAMIN tuluyan na nga naka-move-on si Cristine Reyes sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo kaya ito nakipagrelasyon kay Rayver Cruz na nauwi rin sa hiwalayan. Ilang buwan lang ang lumipas after her break-up with Rayver. Nabalita agad ang palihim na pakikipagkita ni Cristine kay Dennis nang malaman nito hiwalay na rin ang actor sa dyowa niya si Bianca King.

Para hindi disimulado, pumasok sa eksena si Derek Ramsay na inili-link kay Cristine. Nagsalita ang hunk actor na friendly date lang ang minsan nilang paglabas na magkasama with friends. Ngayon, hindi na maitago ang pakikipagbalikan ni Cristine kay Dennis. Napagkikita na silang magkasama sa mga lakaran at kung minsan pa nga, walang pakialam ang sexy star na sinusubuan nito ang actor habang kumakain sila, tsika sa amin.

Matindi ang tama ni Cristine kay Dennis, pilit man niyang gustong kalimutan ang binatang ama, hindi nito magawa. Saksi kami kung gaano katindi ang pagmamahal na ibinibigay nito sa actor. Walang hindi gagawin si Cristine mapaligaya lamang niya si Dennis at ang anak nito. Hanggang ngayon, naghuhumiyaw ang puso’t damdamin, very much in love pa rin siya rito. Maraming pagsubok ang  dumaan noon sa relasyon ng dalawa pero tanging si Cristine lamang ang nakikipaglaban sa ngalan ng pag-ibig.

Sa totoong nagmamahal, ang mali nagi-ging tama sa taong mahal mo pero hanggang kailangan, hanggang saan? Napapagod din ang puso, may hangganan ang pag-ibig. Tatanungin mo ang ‘yong sarili at sasabihin mo, one more try? Deserving ba siyang mahalin? Kung minsan, natututo tayo sa ating mga pagkakamali, ayaw na nating balikan ang mga bagay-bagay na nagdulot sa atin ng sakit na tumatagos sa ating kalamnan. Sa kaso ni Cristine Reyes, handa kaya siya uli sa panibagong pagsubok na kanyang haharapin sa kandungan ni Dennis Trillo? Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Cristine Reyes, lahat gagawin mapasaya lang si Dennis Trillo!

  1. ano kya angdi makalimutan nitong c  malditang cr k bansot na trillo at bkit dinya ito mgawang makalimutan? at binabalik-balikan…ur guess is as good as mine hehe…

    • NAKOH TEH, WA NA CARE SI MAJA JAN KASI HIGH NA HIGH NA SYA SA RELATIONSHIP NILA NI BUDOY. ANG BATANG AMA ANG DAPAT BANTAYAN KASI BAKA MAGWALA NA NAMAN DAHIL PANAY ANG POST NG INSTAGRAM PHOTOS NINA SABEL AT MATTEO HA. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.