Cristine Reyes, laglag-panty pa rin ang pagmamahal kay Dennis Trillo!

NANG DAHIL sa teleseryeng Walang Hanggan, sumikat at nagkapangalan si Julia Montes sa tulong na rin ng leading man niyang si Coco Martin. Tinanggap ng publiko ang team-up nilang dalawa kaya agad-agad nagkaroon ng follow-up movie,  ang A Moment in Time. Hindi nagkamali ang Star Cinema dahil naging box-office success ang pelikula nila. Malaki talaga ang naitulong ng soap sa isang artista, mabilis ang pagsikat tulad na nga sa nangyari sa career ni Julia.

Balitang bonggacious ang nalalapit na 18th birthday celebration ni Julia, escorted by Coco. Nawala na talaga sa eksena si Enchong Dee na very vocal sa tunay niyang nararamdaman para sa dalaga. Sa ngayon, tipong malapit sa puso ni Julia si Coco na diretsong inamin na may feeling din siya para sa actress. Siyempre, lalong ikatutuwa ng mga fans kung sakaling ang kanilang idolo ang magkakatuluyan.

Ngayong sikat na nga si Julia, sabay na rin ang pagtaas ng talent fee nito per show. May tsika nga, may isang politician na gustong kunin si Julia para mag-perform sa kanyang event. Agad nitong inutusan ang kanyang secretary para tumawag sa Star Magic. Maayos namang nakausap nito ang handler ni Julia. Palibhasa first time, ikinawindang ng secretary nang sabihin sa kanya ng handler ng dalaga na two hundred thousand for two songs ang TF ni Julia. Kakanta lang ang dalaga at bawal itong magpa-picture kasama ang politician. After mag-show, alis agad sila. Diretsong sabi ng handler sa kausap. ‘Yun ang maganda sa Star Magic, may handler na nagpo-protekta sa kanilang mga artista. May karapatan naman si Julia Montes na mag-taas ng TF dahil pinaghirapan naman niya ito bago niya nakamit ang tagumpay.

 

MA-GIMIK TALAGA itong si Cristine Reyes, ginagamit si Derek Ramsay para pag-usapan kahit kaibigan lang ang turing niya sa hunk actor. Pinagmamakaingay nitong madalas silang mag-date, gumimik, kumain sa labas na sila lang. Okay naman sa actor, sinasakyan lang niya ang trip ni Cristine. Wala namang masama kung sakaling makalimot at magkatikiman.

Kung kay Derek napaka-vocal ni Cristine pero pagdating sa relationship niya with Dennis Trillo, tahimik lang siya, hindi makapagsalita. Ayaw kasi ng actor na binabandera kung anumang relasyon mayroon siya sa isang babae. Hindi ang tipo ni Dennis ang diretsong umaamin sa isang serious love relationship. Hindi nga nitong masabi sa interview na mahal niya ‘yung present girlfriend niya dahil walang pag-aming nanggaling sa kanya na sila na nga, mag-on na nga sila. Palaging nakabitin sa ere ang mga sagot ni Dennis kahit alam nating maraming babae na ang nagdaan sa kanyang buhay.

Hanggang ngayon, laglag-panty pa rin ang pagmamahal ni Cristine kay Dennis kahit ito ang nang-iwan sa kanya nu’ng time na sila pa. Hindi ba’t ang daming kalokahang pinaggagagawa ang utol ni Ara Mina in the name of love na nasa Pandora box. Kung totoo ngang nagkabalikan na sina Cristine at Dennis, wish namin, this time, mapanindigan na sana siya ng binatang ama. Ang hirap yatang ikaw lang ang nagmamahal, it’s unfair. Hindi ba, Alex Brosas?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “Cristine Reyes, laglag-panty pa rin ang pagmamahal kay Dennis Trillo!

  1. 35 million daw ang kinita sa first week..medyo padding ata..ni walang pila sa mga mall…hindi ko nga marinig rinig yan sa kanto, sa facebook or sa ibang social networking sites…pag box office talaga, eh kahit saan ka pumunta eh maririnig mo talaga like sisteraka, vice ganda movie etc….pero this movie(coco and julia) grosses 35 million is just a big lie….

  2. OFF TOPIC PO ITO TUNGKOL KAY SHALANI SOLEDAD.ANO KAYA SA PALAGAY NYO VIRGIN PA BA SI SHALANI NANG PINAKASALAN SYA NI ROMULO?

  3. d naman flop  kumita rin  pero konti nga lang kung malaki ang kinita nyan…d magkamayaw n ang balita …pihadong kaliwat kanan ang kwento…pero at this tym..tahimik yata ang abs cbn…

  4. hoy mga inggit kayo..kayo lang din nagsabi na flop..flopflopin namn yang mga pinagmumukha nyo ehh!! mga bitter kc palibhasa mg kapusucks!!!

    • YAN DIN ANG DINIG KO TEH. MARAMI NAMANG FLOP ANG STARIRAY CINEMA, KASO NAGPA PADDING SILA. SO ANG MGA FANS NINA COCO AT JULIA, HANGGANG TILI LANG PALA. BUTI NA RIN PARA TIGILAN NA ANG PAMBOBOLA SA PUBLIKO. JUICE MIO, PILIT NA PILIT ANG LOVE TEAM KUNO NG ISANG 31 Y/O SA ISANG 17 Y/O. 

      • BITTERNESS KA NAMAN ‘TEH! INGGITERANG FROG KA LANG KASI SIKAT PA RIN SI COCO AT JULIA KESA NAMAN SA MGA WALANG KAWAWAANG STARLETS NG KANGUSO STATION HAHAHAHAA!

      • DI AKO BITTER TEH. DI RIN JINGGIT TAN. SA TRULILI LANG NA DAPAT NANG TIGILAN ANG MGA GANYANG MOVIES. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.