Cristine Reyes, kinaiinisan sa pagsasabi ng totoo

Cristine-ReyesNAKAKALOKA ITONG si Cristine Reyes. Parang nagpatutsada siyang mababaho ang mga kasama niya sa isang train sa abroad.

Kumakanta kasi ng “napakabango, napakabango ditto guys” while inside a train na kasama yata ang production people ng ABS-CBN habang nasa Dubai sila. She posted the video on her Facebook account. Naroon pa nga sa video si Rayver Cruz.

Kung sincere si Cristine sa pagkanta niyang napakabango ay bakit nakatakip ng ilong ang babaeng nasa likuran niya sa video? Ibig sabihin, hindi talaga mabango, right?

Ang daming negative reactions ang lumabas sa social media. Marami ang naimbiyerna sa inasal ni Cristine.

Ganyan talaga Cristine, people will hate you for telling the truth.

 

NAIMBIYERNA ANG GMA-7 sa nasulat namin na mas pinaboran ni Arnold Clavio ang lawyers ni Deniece Cornejo at Cedric Lee over Vhong Navarro’s lawyer sa interview nila sa Unang Hirit.

Nagpadala ng statement of denial ang GMA at said na sa GMA News ay patas at accurate ang mga balita.

Talaga lang, ha?

Eh, bakit hindi kayo nag-issue ng statement when a lawyer na affiliated sa GABRIELA complained na itinwist ninyo ang interview niya and made it appear na sinusuportahan ng GABRIELA si Deniece Cornejo?

Hindi ba’t binura nga ninyo sa website ninyo ang article na sinusuportahan ng GABRIELA si Deniece.

Nasaan ang patas and accurate reporting doon? Nag-sorry na ba kayo sa lawyer who is demanding a public apology from you?

 

MAY PRE-VALENTINE show at back-to-back concert  si Michael Pangilinan at Prima Diva Billy sa The Library Metrowalk, ang Book of Love, February 12, 10 p.m. Among their guests  are Duncan Ramos, Luke Mejares, Paolo Santos, Chef Anton,  Token Lizares, AJ Tamiza and Le Chazz.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.