Cristine Reyes, inilabas na ang boyfriend

Cristine-Reyes-Ali-KhatibiSUPER SWEET pala itong si Cristine Reyes bilang girlfriend. At talagang ipinangangalandakan niya ang kanyang bagong boyfriend. Nag-post kasi si Cristine ng photos nila ng BF niyang si Ali Khatibi, isang model and mixed martial arts fighter. Dati raw itong URCC (Universal Reality Combat Championship) Featherweight champion.

Marami ang naloka sa photos ng dalawa dahil itong si Cristine ay parang ahas na laging nakapulupot sa kanyang boyfriend. Hindi na ito nahiya, meron pang shot na hinahalikan niya ang BF.

Teka, bakit parang inililihim ni Cristine ang boyfriend niya? There was a time in the recent past kasi na natanong siya kung meron siyang BF pero ang sabi niya ay wala dahil naka-focus siya sa kanyang career.

Hellooo? Me career pa ba si Cristine, eh, parang natalbugan na siya ni Ellen Adarna. Hindi ba’t insecure na insecure daw ang younger sister ni Ara Mina sa pagsulpot ni Ellen sa Dos, dahil bigla siyang nawalan ng project?

 

HUMABOL SI Angel Locsin sa summer station ID ng Dos. Marami kasing fans niya ang nagwala sa social media when they learned na wala ang kanilang idol sa summer station ID ng ABS-CBN. Ang paliwanag naman ng isang executive ng Dos ay walang maibigay na schedule ang aktres kaya hindi siya nakasama sa shooting.

Anyway, tila nagkaroon na ng time si Angel dahil nag-shoot na siya ng kanyang part sa summer station ID. Kinunan ito sa Subic, in between takes sa soap opera nila ni Jericho Rosales.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Cristine Reyes, inilabas na ang boyfriend

  1. Hay salamat naman! magwawala talaga ako pag di inaupdate yang sid ng abs na yan without my lvoe, angel locsin!

  2. pokpokina talaga ‘tong si cristine kung sino sino na lang magka-bf lang… hindi mabubuhay ng walang lalake, pakawala, mahilig sa kangkangan hahahahahaha

  3. Pingback: Cristine Reyes, inilabas na ang boyfriend - Cristine Reyes

Leave a Reply

Your email address will not be published.