Cristine Reyes, in love pa rin kay Dennis Trillo!

HINDI NAGING malaking issue ang break-up nina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Parang dumaan lang, pinag-usapan sandali, tapos, wala na. Dumating raw sa point ang dalaga na parang nagkakasawaan na sila at nawala ‘yung love nila sa isa’t isa. Para kay Cristine, hindi naging masakit sa kanya ang split-up nila ng actor. Ang bilis ngang naka-move-on ni Cristine, parang walang nangyaring love affair between her and Rayver.

Blessing nga raw para kay Cristine ang break-up na ‘yun sa kanila ni Rayver. Na-realize nito na si Dennis Trillio pa rin ang totoong mahal niya kahit nagka-boyfriend na siya at ilang taon na silang nagkahiwalay ng binata. In love pa rin si Cristine hanggang ngayon sa dating karelasyon si Dennis.

I’m just wondering, bakit nga ba walang nagtatagal na karelasyon si Dennis? Hindi pa kaya niya natatagpuan ang babaeng makakasama niya habang buhay? Knows natin, hindi na mabilang ang mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay. Ang huli nga ay si Bianca King, hindi rin nagtagal, nauwi rin sa hiwalayan.

Knowing Cristine, luka-luka ‘yan pagdating sa pag-ibig. Walang hindi gagawin mapaligaya lang ang lalaking mahal niya. Kahit nga kaliwa’t kanan ang babae noon ng actor at nagkaanak pa sa isang beauty queen. Buong puso pa rin nitong tinanggap ang mga pagkakamali ni Dennis.

Grabe kung ma-in love si Cristine, naiintindihan naman namin siya. Halos wala nang itinitira para sa kanyang sarili. Puro kapakanan ng love niya ang unang nagiging priority. Mga kagagahan sa buhay na ginawa niya in the past in the name of love. Ganyan katindi kung magmahaI ang isang Cristine Reyes. I hope she learned her lessons in the past, hindi na sana maulit muli.

Kung dati-rati bulag sa pag-ibig si Cristine, lahat ng mali, nagiging tama sa tawag ng pag-ibig. Hindi alintana nito ang sakit na ibinibigay ng taong mahal niya. Pilit na tinatanggap kahit gaano kasakit para sa ikaliligaya ng kanyang minamahal. Feeling namin, si Dennis ang first true love ni Cristine kahit hindi niya aminin. Ramdam namin noon kung gaano niya minahal ang actor at ‘yun ang isang bagay na hindi malilimutan sa tanang buhay niya, ma-experience ang true meaning of love, ma-in love nang todong-todo, unconditional love!

Balitang madalas daw ngayon si Cristine sa bahay ng parents ni Dennis na parang nanunuyo. Walang masama kung sakaling totoo. At kung minsan pinupuntahan daw nito ang actor sa kanyang pad. Normal na sa babae o artista na bumisita sa kanyang boyfriend. Hindi na ikinuwento ng aming source kung nagpalipas ng magdamag si Cristine sa bahay ni Dennis.

Timing nga naman ang balik-romansa nina Cristine at Dennis kung totoo nga ito dahil pareho na naman silang single. Walang matatapakan sa naudlot nilang pag-iibigan. Ang tanong, this time kaya totoong mahal na ni Dennis si  Cristine? Baka ang utol lang ni Ara Mina ang tunay na nagmamahal. Si Cristine lang ang makasasagot n’yan. Gising na gising na kaya ang actress sa tunay na kahulugan ng pagmamahal. Ito’y kusang ibinibigay, hindi ito hinihingi. ‘Yun lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “Cristine Reyes, in love pa rin kay Dennis Trillo!

    • Sana ttoong ngkblikan sla ksi si cr hndi plstic kng mgmahal at ipglabn ka tlg tuld nng gnwa nya kay rayver..tlgng pnglaban dhl binibira ni sarah..hndi cia yon grl na snisiraan ang mga ex nya..di tulad nang iba..at si dennis din tlg bnglaban din ito si cr kay charlne…sana sla prho maputi at mgaling umarte..marunong din sa buhay si cristine..dmi nya naipon.

  1. sayang si dennis….lalong mapapaaway yan sa mga lalaking mambabastos kay CR kasi hindi naman karespe-respeto ang babeng ito. SI CR ang tipo ng babaeng hindi maipagmamalaki sa tao at mga magulang. So CR please dont even think abt it. Walang lalaking rerespeto sa iyo. Kung ikaw nga sariling mo ina at pamilya wala kang respeto, ano ang assurance ng mga lalaking ito na irerespeto mo ang mga magulang nila? so tama lang yan na yung relationshp niyo ay pang showbiz lang. Mark my work you will grow old alone with 20 men or more in your past. That i am 1000 percent sure. Kasi kung ako ang lalaki, i will like you only for something else but beyond that…no way man!

  2. BAGAY SI CRISTINE AT SI DENNIS. ISANG JOLOGS AT ISANG BASAGULERO. PAREHO RING MAGANDA ANG ITSU AT MAGALING UMARTE. MAGKABALIKAN NA LANG SANA SILA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.