Cristine Reyes, handang pakasalan ng isang senador!

MUKHANG MALAKAS talaga ang tama ni Senator Koko Pimentel sa ABS-CBN Star na si Cristine Reyes dahil nang matanong ito ng mga press na dumalo sa ibinigay na Christmas Party ni Atty. Ferdinand Topacio, na if ever libre at single ang sexy actress ay handa ba nitong pakasalan lalo na’t annuled na rin ang kasal niya sa beauty queen na si Jewel Lobaton, isang mabilis na ‘oo’ ang naging sagot nito.

Pero dagdag ng senator na tanungin muna si Cristine kung type din ba nitong pakasal sa kanya. Nagsimula raw ang crush ng senator sa isa sa may malabanos na kutis among actress sa bansa nang mag-krus ang kanilang landas sa ABS-CBN compound at pareho silang guest sa Gandang Gabi Vice.

Kuwento pa ng senator na tapos nang kunan ang segment niya nang mapadaan siya sa harap ng dressing room ni Cristine at nakiusap daw ito sa staff ng show na kung puwedeng makilala ito ng personal na pinaunlakan naman ng mga staff ni Gandang Gabi Vice.

At nang makita at makilala raw ng senator si Cristine, hindi raw nito naiwasang magka-crush sa sexy actress dahil nagandahan ito at naging maganda raw ang pakikitungo nito sa kanya nang ipakilala siya. Kaya naman daw after the meeting ay ito na ang sinasabi niyang crush everytime na matatanong siya ng movie press.

 

NALULUNGKOT ANG very generous at masasabi naming Darling of the Press na si Atty. Ferdinand Topacio dahil inuutusan daw ng TV 5 bosses ang kanyang bagong tinutulungan na si Marvelous Alejo na katas ng Artista Academy.

Kuwento nga ni Atty. Topacio sa mga press na um-attend sa kanyang pa-Christmas Party, naiintindihan naman daw niya ang TV 5 if pinalalayo na sa kanya si Marvelous, dahil na rin sa inaalagaan lang daw ng mga ito ang image ng young star at pinoproteksyonan din ang loveteam nito at ni Brent Manzano.

Pero kahit nga raw ganu’n ang naging desisyon ng TV 5, willing pa rin daw nitong tulungan si Marvelous para mas umusbong ang career nito. Handa pa rin daw si Atty. na ipag-produce ng album si Marvelous kung papayagan ito ng Kapatid Network.

Puwede naman daw na habang ginagawa ni Marvelous ang kanyang album ay hindi sila magkikita at tanging mga tauhan lang ni Atty. Topacio ang haharap sa young star para matutukan ang album nito. Dagdag pa ni Atty. Topacio na may isang salita daw kasi siya, once na magbitaw siya ng salita, gagawin at gagawin niya, kaya naman daw tuloy ang album ni Marvelous na ipinangako niya rito.

 

NAG-ENJOY RAW nang husto ang isa sa prime young actor at bussiest tween star ng Kapuso Network na si Kristoffer Martin sa shooting ng GMA 7 entry sa darating na Metro Manila Film Festival, ang Sossy Problem na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Bianca King atbp. mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Tsika nga nito na ibang Kristoffer Martin ang mapapanood nila sa Sossy Problem, kaya naman daw matutuwa ang kanyang supporters ‘pag nanood sila nito sa Dec. 25. Bukod sa Sossy Problem, napapanood din si Kristoffer everyday sa primetime soap ng GMA 7 na Pahiram ng Sandali na pinagbibidahan naman nina Ms. Lorna Tolentino, Mr. Christopher De Leon at Max Collins.

Bukod pa rito ang kanyang regular stint sa Party Pilipinas tuwing Linggo kasama ang iba pa niyang co-tweens na sina Barbie Forteza, Bea Binene, Jake Vargas, Louise Delos Reyes at Lexi Fernandez.

John’s Point
by John Fontanilla

 

loading...

8 thoughts on “Cristine Reyes, handang pakasalan ng isang senador!

  1. until now di pa rin kayo maka move on.. masaya na sila sa buhay nila at diba bati na sila cristine and sarah.. Stop analyzing, intervening with other lives. When you have your own to live with.. get a life!

  2. mga bitterness nmn 2ng ito hahahah ano pake nyo k CR at koko eh d p ng mgkakilala in person dami nyo ng litanya against them ahhahahINGGIT LNG TEH!

  3. tignan nyo pictur ni cr d2 pra zang puppet, prang dina natural itsura nya dhil sa kareretoke ng ilong!! hay nku mnggagamit din pla tong pangit nasi coco paminta!! gagamitin lng yan like chiz k payatot na heart!!

  4. HAHAHA patawa napadaan e naka one night estand mo na yan e..napadaan ka jan haha.malamang d maging labanos yan e halos lahat ng kita sa bleaching ginagastos… bagay naman kayu kasi din ikaw mababaw ang hinahanap mo sa panlabas lang e, c kubeta…pera din ang hanap kaya swak talaga kayooo hahaha… mga lalaki nga nmang ubod ng kalibugan d gnagamit ang ULO puro kalandian lng din.pwe!! wat a shallow person..ang ganda nawawala pero ang ugali hindi…sabagay my divorce at annullment naman sa pinas so pagpinagsawaan na bubussshhh na din,,plus tyak kong mas makikilala nya totoong ugali ng KUBETANg to am sure sya mismo ang tatakbo wahahaha…. baka paulalan ka ng sasabihin sayu pimentel na “ewww pathetic loser” gaya ng sinabi ng KUBETAng to sa sarili nyang kapatid..tsk tsk!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.