Cristine Reyes, gustung-gusto ang ‘cup cake’ ni Zanjoe!

Nakakatuwa naman ang King Of Talk na si Boy Abunda. Despite of his busy schedule sa as host ng mga programang SNN, The Buzz, The Bottomline, at ‘yong isa pang show sa Cinema One cable channel na tungkol sa filmography ng mga artista, naisisingit pa rin niya ang pag-aaral ng kanyang master’s degree at pagtuturo sa Philippine Women’s University.  Kamakailangan nga, nakatanggap pa siya ng award as one of the ten best teachers ng nabanggit na pamantasan.

“Ni-rate kami. 5 ang perfect. Ako, 4.88,” masayang kuwento sa amin ni Kuya Boy.

“Nakakatuwa lang kasi ang nagri-rate sa ‘yo, mga estud-yante. Hindi ang nag-a-asses sa ‘yo ay ang academic world.”

Ano kaya sa palagay niya ang nagustuhan sa kanya ng mga estudyante?

“Dahil sinisiguro kong may natututunan sila sa akin. Concious na conscious ako riyan. At sa pagtururo ko, naia-apply ko na ito ‘yong academics, ito ‘yong libro, ito ‘yong pinag-aaralan natin, pero ikukuwento ko sa inyo kung ano ang nangyayari.

“Halimbawa ‘yong tanong sa ratings… practioner ako, eh. So, naikukuwento ko kung saan nanggagaling iyon. So napagtatagpo ko ‘yong libro at saka ‘yong practice. May fulfillment talaga akong nararamdaman kapag gano’n.”

Enjoy sa kanyang teaching si Kuya Boy. Ang suweldo raw niya rito, idinu-donate niya sa College of Communication Arts ng PWU. At the end of this trimester, plano raw niyang tumigil muna sandali sa kanyang pagtuturo para makapag-concentrate sa kanyang thesis kaugnay ng kanyang tinatapos na master’s degree.

“Tatlong stages kasi ‘yong sa thesis. Magpu-propose ako sa panel. Hopefully in the next two weeks. After no’n, magsusulat na ako. First three chapters muna ‘yan, eh. Ipi-present mo, gathering of data, tapos conclusion.

“Nahihirapan talaga ako. Hindi dahil sa laman. ‘Yong texto ng thesis kaya ko, eh. It’s the formatting. Ang hirap. Tapos three meetings ‘yan na limang deans ang kaharap mo when you defend it. ‘Yon ang nakaka-ano ng oras ko.

‘Pero pampa-relax ko rin. Siyempre kapag ginagawa ko, nababali ang isip ko. Kaya lang ang mahirap nga ay ‘yong pag-format. Kasi iyon ang academic requirement. Pero kung basta daldal lang at sulat, kaya. I’ve done the first draft. Ngayon ko nararamdaman ang hirap. Pero hopefully by November, I would finish my master’s. At gusto ko munang magpahinga nang konti!” natawang sambit pa ni Kuya Boy.

MUKHANG MALAKI ANG naitulong ng pakikipagtambal niya kay Cristine Reyes kung bakit madaling naka-move on sa break-up nila ni Mariel Rodriguez itong si Zanjoe Marudo. Very close na nga raw ang dalawa ngayon. There are times na nag-aasaran at nagkukulitan pa umano ang dalawa sa set ng pinagtatambalan nilang seryeng Kristine.

Nakagawian na rin daw ni Zanjoe na magbitbit ng kung anu-anong pagkain para sa dalaga kapag may taping sila. Ang pinakamadalas umanong dalhin ni Zanjoe na gustung-gusto ni Cristine – cup cake.

Kung oobserbahan umanong mabuti, parang compatible nga raw sa maraming bagay itong sina Cristine at Zanjoe.  Pareho umanong prangka, parehong makulit at kuwela, parehong mahilig kumain, at parehong professional at focused masyado sa oras ng trabaho.

Ang tawag nga raw ni Cristine ngayon kay Zanjoe – pork chop. Ang explanation nga raw ng aktres, hindi man daw pansinin na ulam ang porkchop pero masarap.

Si Zanjoe naman, ang tawag umano kay Cristine – bangus. Matinik daw sa paningin ng binata ang aktres gaya ng isang bangus. Matinik daw sa boys.

Sa lumalalim na closeness ngayon nina Cristine at Zanjoe, hindi na kami magtataka kung biglang isang araw na lang ay mapabalitang sila na.

Nakatutuwa rin na may sarili na palang hukbo ng mga tagahanga ang dalawa. Nabuo ito sa pamamagitan ng Facebook at maging sa internet site na www.pinoyexchange.com. Ang pangalan ng grupo na ngayon ay mabilis na dumarami ang miyembro – Zantine Nation.

Yes! Kung nagkaroon ng Kimerald sina Kim Chiu at Gerald Anderson, o Alkris sina Aljur Abrenica at Kris Bernal… meron na ring Zantiners na siyang tawag sa mga miyembro nga ng nabuong fans club nina Zanjoe at Cristine.

At hindi lang pala nationwide ang fans club na ito kundi global. Meron silang mga kaalyansang grupo ng mga Pinoy fans din nina Cristine at Zanjoe sa Canada, U.S., India, Singapore, at iba pang mga bansa.

Sa mga gusto raw mag-member ng Zantine Nation, mag-log-on lang daw kayo sa www.pinoyexchange.com. Magkakaroon din daw sila ng isang malaki at engrandeng get together party this October 23 kasama ang iniidolo at sinusuportahan nilang sina Cristine at Zanjoe. At ang venue kung saan will be announced daw soon.

Bongga!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

25 thoughts on “Cristine Reyes, gustung-gusto ang ‘cup cake’ ni Zanjoe!

  1. BAKET ANG MGA PINOY MASYADONG MAPANGHUSGA PAG DATING SA GRAMMAR KAYA MINSAN HINDI TAYO UMAASENSO MGA HAPON NAMAN HINDI MARUNONG MANG INGLIS ANG KAGALINGAN SA SALITANG BANYAGA AY HINDI NASASALAMIN ANG PAGKATAO MO.DAMING PULITIKO MAGAGALING SA INGLIS MAGNANAKAW NAMAN.
    MGA MAPANGHUSGA PALAGAY SENYALES NG INSECURITIES.

    • Walang kinalaman ang pagiging “hindi magaling sa English ng mga Hapon.”

      Nasa ibang aspeto yan.

      Magbasa ka siguro para mas maintindihan mo. Read books on social sciences.

      Mababaw ang argumento mo, pare.

      Ibang level din ang mga pulitiko na magnanakaw. Walang kinalaman ang pagiging marunong o hindi sa English. nag-i-English man o hindi, kung pulitiko, malapit talaga sa tukso, at oportunidad, para magnakaw.

      Read more. Study more. Be more objective and logical.

  2. NAKU ZANJOE HA, NGAYON LANG KITA NAKITANG NGUMINGITI NANG TODO. ANG SAYA SAYA MO KAPAG KASAMA MO SI CHRISTINE. NOONG KAYO PA LANG NI MARIEL, TIPID NA TIPID ANG NGITI MO AT PARANG NAIILANG KA. BAKEEEEET?

    • nang intriga ka naman, hanggang dito drag mo pa rin name ni Mariel napaghahalatang masyadong love mo si mariel hahhaha!!!

  3. ARTISTAHIN:

    ARTISTAHIN, YOU ARE AN IDIOT!
    I REPEAT, “ARTISTAHIN, YOU ARE AN IDIOT!”
    I’LL REPEAT IT AGAIN, “ARTISTAHIN, YOU’RE AN IDIOT!”

    Now, show these three sentences to the experts and tell me their comments.

    I posted the same comment three times. So, the second time, I said, “I repeat.” The third time, I said, “I’ll repeat it again,” to stress my point.

    If you’re having nightmares about my grammar, I can’t do anything about that. IDIOT!!!

    • Meron rin bang “I’ll repeat it over and over again” or “I’ll repeat it again and again ” ?

  4. Para ito kay Doris of LA (daw).

    Susundan kita talaga maski saan ka magpost ng comment kasi nakapagmura ka pa ng idiot eh ikaw ang idiot.

    Ito ung tngkol sa sinabi mo kay Maria na “I repeat it again.”

    Sabi ko, redundant na ang “repeat it again”. Ok na pag sinabi mo lang ang “I repeat it.”

    Ikaw ang idiot!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Kung nag-aral ka, maski mga teacher sa Filipino (o Pilipino pa ang tawag sa subject na ito noong araw), ang turo nila ay mali pag sasabihin ang “Umakyat ka sa (i)taas.” Tama! Saan pa nga ba aakyat kungdi sa itaas.

    So sabihin lang, “Umakyat ka. Or Umakyat ka doon/dito.

    Mali din apg sinabing, “Pumasok ka sa loob.” Saan ba papasok kundi sa loob talaga. So, “Pumasok ka is enough.”

    So MALING-MALING-MALI ang “I repet it AGAIN.”

      • masyado kang maraming oras mag comment kahit saang site nandoon ka , magtrabaho ka naman hahahha!!!

      • ITO ANG TRABAHO KO.

        KAPAG WALA ANG AMO KO, DI NA AKO GUMAGAWA SA BAHAY.

        O KAYA HABANG NAGLULUTO AKO O NAGLALABA, NAG IINTERNET.

        SOSI AKO NA DH. SAKA MABAIT ANG AMO KO. SHE GAVE ME A BLACKBERRY PARA KA-BBM KO SYA PAG NASA WORK SYA.

      • Doris of LA:

        http://learning.cl3.ust.hk/english-grammar-guide/Problem_Words/repeat_return.htm

        Never say or write: repeat again or return back: these expressions are unacceptable. Repeat already means do again, and return means go back, give back or send back:

        I’ll return the check back.

        Correct I’ll return the check.

        Correct I’ll send the check back.

        There is no need to repeat it again.

        Correct There is no need to repeat it.

        Correct There is no need to do it again.

      • Salamat Matteo for taking time to post your piece of mind.

        This should settle what I was talking about.

        Please pay attention, mga kagaya naming nagpo-post dito.

        We should thank one another for learning someting.

      • Old article, mga September pa, dun sa article about Kris Aquino.

        Hindi naka move on ano? Kasi luma ng article, ha ha.

        Joke.

        Para lang may magawa. Kasi tapos na akong mamalengke, maglinis, magluto, magplantsa, maglaba amg-almirol at mag-garden.

        Nakapagpakain na rin ako ng mga aso at pusa.

        Dala ko ang laptop ng boss ko sa bath-tub, kasi ginagamit ko ang bath tub ng amo ko pag wala sya.

        Alam naman nya, OK lang sa kanya.

  5. Tama!Galing talaga ng baklang executive mag build kay Zanjoe para di mabulgar ang tinatago nilang lihim na relasyon.

    Clue : Ang baklang executive ang humahawak din kay Diether Ocampo at Jake Cuenca.Malapit na ang karma baklang executive!Malapit ka nang itaboy sa impyerno!

  6. GIMIK kalat naman sa apat na sulok ng ABS na jowa ng baklang executive si Zanjoe!!!!

    sino niloloko nyo noh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.