Cristine Reyes, gustong-gusto ng pamilya ni Rayver Cruz

ALL-OUT ANG SUPORTA ng mga taong malalapit kina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa kanilang relasyon. Napatunayan ito nang mag-celebrate kamakailan si Cristine ng kanyang birthday. Sa kanyang party ay kitang-kita mo ang mainit na pagtanggap ng mga kapamilya ni Rayver kay Cristine. Unang-una na rito ang ina ng aktor na si Mommy Elizabeth Cruz.

Inamin ni Mommy Elizabeth na welcome ang aktres sa kanilang pamilya at nagpapasa-lamat din siya kay Cristine for taking Rayver as her boyfriend. Pati ang older brother ni Rayver na si Rodjun ay bumati rin sa aktres.

Siyempre pa, laging nasa kanyang tabi ang special man of her life na si Rayver. “Alam kong napakarami nating pinagdaanang pagsubok, pero hanggang ngayon ay nandito pa rin tayo para sa bawat isa. Gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal. Lagi lang akong nandito para sa ‘yo. Alam mo naman ‘yon,” pahayag ni Cristine.

Kaya naman kahit iniintriga silang dalawa ay nananatili pa ring matatag ang kanilang relasyon. Hindi ba’t parang kailan lang nang ipinagmamalaking ipinakita ni Cristine ang promise ring na ibinigay sa kanya ni Rayver? Sinabi pa niya na iniingatan daw niya ito ng husto, kaya kahit naliligo siya ay hindi niya ito tinatanggal. ‘Yon lang daw ang kumasyang singsing sa kanya, kaya para raw itong destiny.

PERO ANO ITONG kumalat na balita na nawala raw kamakailan ni Cristine ang singsing? Maliban sa pagkawala ng promise ring ay nawawalan na rin daw siya ng time sa kanyang boyfriend. At ito raw ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng alitan ni Rayver.

Rayver flatly denied the rumor. “Hindi totoo ‘yon. Hindi niya mawawala ‘yon. Imposible. Lately kasi busy siya dahil sa Kristine tapos may movie siyang ginagawa, so ‘pag may tsansang magkita kami kapag napa-pack-up ‘yung shooting niya, nagkikita kami,” sabi pa ng binata.

Sabi nga, it takes two to tango. You have to fight for your love if you believe it is worth keeping.

Featured ang love story nina Cristine at Rayver sa February issue ng StarStudio Magazine. From the trials they have weathered together hanggang sa mga kilig at memorable moments nilang dalawa kung saan sila naging close sa isa’t isa at sa kani-kanilang pamilya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Cristine Reyes, gustong-gusto ng pamilya ni Rayver Cruz

  1. Maarte yang si cristine lahat na lang inaway pati si MEGA. ng dahil sa ginawa nya, nawala respect ko sa babaeng ito.

  2. Kung masaya sila, so sige. Be happy but sana si Christine hindi na lang magsabi pa kung ano ano para wala nang awayan. Just enjoy your relationship guys and just be quiet.

  3. Pingback: Cristine Reyes, gustong-gusto ng pamilya ni Rayver Cruz | Cristine Reyes Cristine Reyes, gustong-gusto ng pamilya ni Rayver Cruz | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

  4. Pingback: Tweets that mention Cristine Reyes, gustong-gusto ng pamilya ni Rayver Cruz | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.