Cristine Reyes, gusto nang sundan si Baby Amarah!

Cristine Reyes and Ali Khatibi

IN FAIRNESS, ang daming likes at share sa social media account namin sa Instagram, Twitter at Facebook (@rkvillacorta)  ang kuhang picture na naipost namin sa mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi nang dumalo sila sa kauna-unahang SPEEDS ‘EDDYS Award last week na isinagawa sa Kia Theater.

 
Sexy ang suot na mala-gold gown ni Cristine. Sparkling with its studded sequence and beads while ang mister niya ay naka-gray jacket over a white shirt.
 
Lovely couple ang dalawa. Hindi mo iisipin na si Cristine ay may Baby Amarah na.
 

Sa katunayan si Cristine, gusto na nga sundan ang first baby nila ng mister ayon sa kuwento ni Ali sa amin at the press conference ng first film nito na “Double Barrel” ng Viva Films na nasa direksyon ni Toto Natividad where he plays the role of SPO4 Lagman kung saan ang pagiging mixed martial arts expert niya in real-life ay napakinabangan ni Ali.

KHATIBI Family: Cristine and Ali with daughter Amarah

 
Pero ayaw muna ni Ali na magbuntis ang misis. Gusto muna niya na i-enjoy nila ni Cristine ang pagiging parents nila ni Cristine sa kanilang anak.
 
“Besides, I need to built pa our house (na on going),”pahayag ni Ali.
 
Kung sabagay nang makasama si Cristine sa bagong Star Cinema na comeback movie ni Aga Muhlach with Dingdong Dantes at Enrique Gil under Direk Cathy Garcia-Molina na “Seven Sundays”.
             

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.