Cristine Reyes, GALIT NA GALIT Kay Sarah Geronimo!

OBVIOUSLY, WALANG IBANG pinaparinggan si Cristine Reyes sa kanyang Twitter account kahapon. Hindi rin naman kasi maituturing na parinig ang kanyang tweets patungkol sa isang kasamahan niya sa ASAP XV. Hindi man pinangalanan ni Cristine ang dahilan ng kanyang nag-aapoy sa galit na damdamin, lahat naman ng galit na galit na tweets ay tumutukoy sa iisang tao – kay Sarah Geronimo.

Sinimulan ni Cristine ang kanyang tweet ng: “I AM SO PISSED RIGHT NOW!”

Nakarating umano kay Cristine ang “pagpaparinig” ni Sarah sa kanya during rehearsal. Ayon sa nakarating sa sexy actress, sinabi umano ng pop princess ang linyang “’Pag magaling sumayaw, habulin ng mga babaeng sexy…” nang naka-mic umano si Sarah, at dinig na dinig ng mga kasamahang artista sa rehearsal. Lumalabas na patungkol kay Rayver Cruz at kay Cristine ang nasabing komento/pahayag ni Sarah. At ito rin ang dahilan ng pagsisintir ni Cristine. Kaya naman ang reaksiyon ng aktres:

“FYI mali ka ng dialogue e baka habulin mo. Ikaw ang naghabol! binreak ka nga e!

“napakasweet at napakabait ng image mo! Bakit Hindi mo totohanin in REAL LIFE?

“uulitin ko Lang ha bago mo ka magbitaw ng salita siguraduhin mong Totoo! Kumanta ka na Lang! Bwiset ka!

“Paka-bitter mo!”

Nakakaloka pa ang ilang rebelasyon ni Cristine patungkol kay Sarah. Sinasabi ni Cristine na sa kabila ng “mabait na image” ni Sarah, “Hindi nila alam Grabe ka Lang umarte! Nagpapatanggal ka ng artista sa asap kasi Di mo kaya makasama! Arte mo!”

In a war mode talaga si Cristine, at nagsabi pa ito na ‘wag daw siya nitong pikunin, “alam mong malinis kunsensya ko dahil Wala akong kasalanan sayo kaya tigilan mo ko ha!”

Hindi nga napigilan ng bida ng Kristine ang sobrang pagkairita, at naibulalas pa nitong gagayahin umano niya ang drama ng tinawag niyang “DRAMA PRINCESS”.

“Ayoko na mag-asap kasi ako naman ang aarte sa ngayon! Gagayahin ko rin ang drama niya! DRAMA PRINCESS!!!!!!”

Bago tapusin ni Cristine ang kanyang pagtu-tweet, may himig pagbabanta pa ito kay Sarah, na tinawag pa niyang “backstabber with a super goody goody image and super sweet smile”.

“Wag mo ko paparinggan at sasabihan ng walang katotohanan wag mo ko simulan kasi marami ako alam na kaartehan mo! IDOL pa naman kita!”

Well, habang sinusulat namin ang istoryang ito, wala pang ibinibigay na reaksiyon si Sarah Geronimo. At sa pangungulit pa ng mga followers ni Cristine sa kanyang Twitter na nagtatanong sa kanya kung kaaway ba niya si Sarah, sinabi ni Cristine na, “Hindi ko kaaway. Nanggugulo lang. Hindi makamove-on e.”

Parehong nasa ilalim ng Viva Artist Agency sina Cristine at Sarah. Hala! Abangan na lang natin ang next chapter ng ‘Cristine vs. Sarah tweetserye’.

SPEAKING OF NAGNGANGALIT na damdamin, hindi lang pala sa pagpaparehas kay Gerald Anderson sa ibang leading ladies ang ipinagpuputok ng butse ng Kimeralds. Maging ang pagpapares kay Kim Chiu sa ibang leading man ay gusto ring harangin ng die-hard fans ng Kim-Gerald loveteam.

Para sa mga Kimeralds, hindi puwedeng paghiwalayin ang kanilang mga idol, at ipareha sa iba. At ‘pag ginawa nga ito ng ABS-CBN, walang tigil na pananakot ang aabutin ng artistang ipaparehas kay Gerald o kay Kim.

Una na nga naming inilabas ang ‘death threats’ ng Kimeralds kay Jewel Mische na nakatakdang maging leading lady ni Gerald sa isang teleserye. Ngayon, si Piolo Pascual naman ang tinitira ng mga ito.

Sa e-mail na natanggap namin na may subject na ‘Goodbye Iñigo’ mula sa isang ‘Jimboy Inosencio <jinosencio@yahoo.com>, nakasaad ang ganito:

“Siguradong guguho ang mundo ni Piolo Pascual kapag nakita niyang tadtad ng bala ang kanyang anak na si Iñigo. Alam namin kung saan naroon ang anak ng hunk actor. Ang mga stars o starlet na nag-iilusyon makapareha sila Kim Chiu at Gerald Anderson ay hindi nakawala sa amin kaya wala ring kawala si Piolo. Pero mukhang mas maganda kung batuhin na lang namin ng granada ang tinitirahan ng anak ni Piolo, for sure lasug-lasog ang katawan ni Iñigo. Sila Kim at Gerald ang gusto naming magkapareha pero hindi ang ipareha ang dalawa sa iba.”

Nakatakdang magtambal sina Kim at Piolo para sa isang pelikula under Star Cinema. Ano kaya’ng masasabi ni Papa P sa pananakot na ito ng mga Krimeralds… este, Kimeralds?!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

11 thoughts on “Cristine Reyes, GALIT NA GALIT Kay Sarah Geronimo!

  1. Mga ineng, mga ITA kong sintas,………si SARAH ay salamin ng Kaplastikan…….. sweet image..pero ugaling demonya…..
    eh talaga namang ayaw mag-move on ang plastik na Sarang Demonya…..bat kayo umaatungal???
    saka, BADUY na BADUY siyang manamit…para siyang ATSAY….harrrr

  2. Grabe naman talaga yung fans nila Kim at Gerald. Paano naman mag-gogrow ang dalawa kung hindi sila lalabas sa anino ng isat-isa. Well, nakakaawa lang kasi even their own lovelife e hindi pupwede.

    To Christine, naku girl, if Raver loves u keri na yan. Just ignore the chismis. And with Sarah for sure naman hindi na nya papatulan yan at papalakihin pa ang issue, as we all know Sarah is very nice and professional. To Rayver, ay haba ng hair mo teh! haha :P

  3. OMG Cristine. You are not in Sarah G's. level. All you do is take off clothes, or if you have clothes at all, you have to show part of your body. SHUT UP na! Bagay lang kayo ni Rayver, parehong walang MODO. Sarah is well loved by everybody, you are well loved by your BODY.

  4. ay naku basta ako pareho silang ok. si sarah magaling kumanta at si christine ok din sya sa drama.. kaya pls guy's be nice na lang ok….

  5. wow.. ano ng nanyayari sa buhay ni willie bakit daming comments para sa kanya? bakit kayo nag'aaksayang panahon sa isang taong wala naman panahon sa inyo.. walang kwentang usapan yan..

  6. etong girlaloh na to!! nagpapaka tanga sa pag ibig….teh sobra ka naman kong umibig palagi ka nlng nakikipag away sa mga boyzzz,,,

    halatang parausan ka lng!!!!!

  7. sayang si cristine..tsk tsk mula nang lumipat ng istasyon ayun tinopak na…sabagay sa lahat ng mga boldstarlet sa abs si cristine pa rin pinaka masarap sigurong kan2-10

    • Ouch that is grosssss. Yan ang mapala mo Christine, you started it kaya iiyak ka sa mga salitang hindi kanais-nais.
      SHAME SHAME. Hindi ka ba nahihiya sa mga malalaswang salita na lumalabas AGAINST YOU? NAPAKASAKIT KUYA EDDIE, but you did it, kaya lamunin mo lahat. Siguro lahat na ng oras ay ini-iyakan mo na. THAT’S WHAT YOU GET, TOO BAD GIRL.

Leave a Reply

Your email address will not be published.