Cristine Reyes, friends lang daw pero natutulog sa bahay ng lalaki?!

MARAMING ANIK-ANIK na eksenang naganap sa concert ni Vice-Ganda sa Smart Araneta, tsika sa amin. Kung naaliw ang manonood sa performance nina Daniel Padilla at Paulo Avelino, hindi rin nagpaawat si Enrique Gil nang pasayawin ito ng TV host/comedian on stage ng sexy dance. Nag-macho dancing ito at isinayaw ang latest disco song ni Psy na nagpasikat ng kantang Gangnam Style sa buong mundo.

Todo to the max ang ginawang pagsasayaw ni Enrique on stage, na mala-Psy, may pakadyut-kadyot pa ito sa harapan ng audience pero hindi malaswang tignan, cute nga raw panoorin. Dalang-dala ng binata ang kanyang katawan sa sexy dance na ‘yun, kuwento pa sa amin.

Maging si Vice ay naloka sa eksenang ‘yun ni Enrique, tipong pinaghandaan. Hindi niya ito ginawa noong  time na mag-guest ang actor sa kanyang TV show. Kinilig at tinitilian ng mga fans si Enrique habang nagsasayaw ito on stage.

Bago pakantahin ni Vice si Regine Valasquez, ini-react nito ang palpak na eksenang naganap sa huling concert ng Song Bird. “Sorry po, medyo namamalat ang boses ko. Babawi na lang po ako sa susunod kong concert,” say ng stand-up comedian na nagbibiro.

Nang magsimula nang umawit si Regine, kapansin-pansin ang pagbabago ng kanyang boses. Medyo hirap na itong abutin ang high notes. Nawala na raw ‘yung brilyo ng boses na hinahangaan ng publiko. Kailangan nga talagang mamahinga ng one month ni Regine at huwag munang tumanggap ng mga show.

PURING-PURI NI Wenn Deramas ang sexy star na si Cristine Reyes. Masarap daw itong katrabaho at walang complain kahit inaabot na sila ng magdamag sa shooting ng Bromance.

“Kung minsan nga, kahit tapos na kaming mag-shooting, diretso pa siya sa studio para mag-dubbing,” pagmamalaking sabi ng box-office director.

Always on the go, thoughtful at napaka-sweet daw ng actress. Mabait kahit naging box-office hit ang pelikula nila ni Anne Curtis at Derek Ramsay ng Viva Films. Ganyan kung i-discribe ni Direk Wenn ang dalaga.

Pero marami pa rin ang nagtataas ng kilay sa totoong pag-uugali ni Cristine. Pakitang-tao lang daw ‘yun kay Wenn dahil director siya nito. Hindi pa raw lumalabas ang sungay nito. Kung ang sarili niyang kapatid na si Ara Mina ay nakuha niyang sira-siraan sa ibang tao, ‘yun pa kayang hindi niya kaanu-ano? Say ng kausap namin.

Kaya raw walang nagtatagal na kaibigan si Cristine dahil hindi siya totoo sa kanyang sarili. Hindi mo maramdaman sa sexy star ang sincerity nito bilang kaibigan.

“Pawang pagkukunwari lamang ang ipinapakita niyang kabutihan. If ever, maging friends kayo, hindi ‘yun magtatagal kung wala rin lang siyang mahihita sa ‘yo,” tsika pa ng dati niyang friend.

Pero matinding ma-in love si Cristine, lahat gagawin sa taong mahal niya. Si Dennis Trillo ang unang lalaki, tunay niyang minahal nang todo-todo, walang boundary. Kahit mahirap tanggapin noon, pilit nitong kinalimutan ang actor dahil may ibang mahal na babae ang mahal niya.

Ngayon, kahit may Dennis at Jake Cuenca na inuugnay sa kanya. Pinaglalaruan ni Cristine ang publiko kung sino sa dalawang actor ang tunay niyang karelasyon. Matulog kaya si babae sa bahay ni lalaki, anong tawag du’n, friends?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Cristine Reyes, friends lang daw pero natutulog sa bahay ng lalaki?!

  1. Some negative reactions I want to say:

    HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, hindi kataka-taka kung si Cristine ay isang plastikadang tao. Number one, anong ikinaganda niya kung mukha naman siyang muchacha without makeup? Sexy!? Katawan pa lang niya, laspaghetti na! ((((((((((:<

  2. kitang kita naman sa kanyang buong katawan kung gaano cya  kalaspag. wala na talagang maganda sa babaeng ito. napakasama ng ugali. easy to get.. super… kay ganon nlang kung paglaruan ng mga lalake. cristine isa kang bit__h, kahit ano pang gagawin mo laos kana kahit bibigyan ka pa ng marami at magagandang projects ng abs wala talagang tatangkilik sa iyo. ni hindi nga nag blockbuster ang pelikulang my bromance. to think na box officer director si wen dramas. dahil yan sa kabwisitan mo cristin. laos na laos ka na day. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.