Cristine Reyes, Carlo Aquino’s fantasy?!

SA GANDA AT kinis ni Cristine Reyes, hindi na kami na-shock nu’ng may magtsika sa aming “inilusyon” ni Carlo Aquino na “matikman” ang alindog nito.

“Du’n sa movie nilang ‘Tumbok,’ madalas mahuli ng mga crew si Carlo, tinititigan ang mga binti ni Cristine ‘pag hindi ito nakatingin.

“Eh, ‘di ba, si Cristine, sakto lang din ang boobs? Si Carlo, me ilang eksenang nawawala siya. Paano kasi, nakatingin sa dibdib ni Aa,” palayaw ni Cristine.

Sige nga, itatanong namin to kay Cristine.

“Walang maisasagot si Cristine sa ‘yo, dahil di naman niya sasabihing nahuhuli niyang tumitingin sa kanya si Carlo, eh.

“Si Carlo naman, I’m sure, hindi niya aaminin, dahil nahihiya ke Rayver Cruz!

Ganon?

“MAGKAAWAY” PALA ANG mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, hindi n’yo ba napansin?

No, wala naman silang marital problems. At ‘yung pagiging magkaaway nila ay hinahayaan na lang nila, dahil naniniwala sila na hindi na dapat itong pansinin at matatapos din ito after a few months.

“’Pag nasa bahay nga kami, hindi namin pinag-uusapan yon, ayaw namin,” sey ni Tita Sandy.

Si Tita Sandy ay nasa “Mutya” bilang nanay ni Precious Lara Quigaman at lola ni Mutya.

Si Boyet naman ay lider ng mga kontrabida sa “Captain Barbell.”

Sa time slot lang ng kinabibi-langan nilang fantaserye “magkaaway” ang mag-asawa.

BLIND ITEM: AVID follower kami ng isang young actor sa Twitter, dahil siyempre, gusto naming malaman ang current status niya o ang latest tweet tungkol sa kanya.

Pero as the days went by, tila walang wawa, walang sense at kung anu-ano na lang ang maisip nyang i-tweet na parang addict lang sa droga ang nakakaintindi, kaya nag-decide na lang kaming i-unfollow ito kesa bahain ng mga hindi namin masakyang tweets niya ang aming timeline.

Pero gusto rin naming intindihin na Twitter account niya ‘yon, kaya karapatan niya kung ano ang gusto niyang sabihin sa mga followers niya.

Baka ‘yung ibang followers niya ay sinasakyan o kayang sakyan ang kawirduhan niya sa life.

Hindi lang namin siguro trip ang trip niya, kaya since Twitter account namin ito eh, in-unfollow na lang namin siya.

Ayaw ng kalye sa Maynila ng ganyan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

6 thoughts on “Cristine Reyes, Carlo Aquino’s fantasy?!

  1. Hello?! Sinong Artista sa ngayon ang hindi dumaamn sa syensya? Lahat naman sila, salamay po doctors eh. hehehehehe…..:)

  2. @konting: half-israeli ata yun. hehehehe. maganda naman pero pangit naman ang kaluoban sa katarayan at attitude problem. lilipas din ang kagandahan. ^_^

  3. @konting delicadeza, baka si Uma Khouny yong half Arabian kasi di ba he is one of hosts sa Trip na Trip and he looks like he from the middle east. I don’t like him kasi parang suplado at kung makapagsalita parang mas grabe pa kesa tunay na babae. Ewan ko ba nitong si Uma, I can’t tell kung ano ba talaga ang orientation nito.

  4. hello, eh hindi ba retokada’t pinaputi/kinis  at pinaganda lamang sya ny syensya….in short, salamat, doktor!…..pekeng ganda nman, di original at natural.

  5. Ang ganda ganda ni Christine. Ang kinis kinis kaya maraming nagfafantasya sa kanya at marami ring nagseselos.